wp_head()
Download http://bigtheme.net/joomla Free Templates Joomla! 3

Kuwitis sa Lansangan

photo by MARIANNE LORRAINE M. SAMILING

SUPER LOLO. White Bomb. Good bye Earth. Atomic Big Triangulo. Piccolo. Judas Belt. Watusi. Iilan ang mga ito sa mga ipinagbabawal na paputok—ipinagbabawal upang maiwasan ang walang katuturang pagdanak ng dugo.

Glock 19, Glock 22—hindi na kinakailangan ng posporo o lighter, ikinakasa na lamang at kinakalabit para paputukin. Tatlong lalaki, tinambangan at tinutukan ng mga mamang nakaasul. Ang tatlong kalalakihang kanina lamang ay naghaharutan ay napaluhod at napataas ng kamay, pauwi na dapat sa kanilang mga tahanan—humahalakhak, nagkakaraoke, pakurot-kurot sa crispy patang pang-media noche, hindi humihikbing nagmamakaawa, todo tagaktak ang pawis na may kasamang uhog at luha, habang nakatindig sa kanilang mga tuhod na para bang ang Diyos Ama at ang mga arkanghel nito ang kanilang kaharap.

Alas-onse hanggang alas-dose, kasabay ng pagputok ng mga kuwitis ay ang pagputok ng mga baril ng mga mamang nakaasul. Animo sinalamin ang mga pailaw sa kalangitan ay nagtitilamsik ang dugo at laman sa aspalto.

Napakong kabaong, napakong pangako—sa bagong taon, bawal magpaputok. Sa buong taon, pulis lamang ang maaaring magpaputok, bagamat hindi sila sigurado kung tama ba ang pinapuputukan nila. F MARIA ANTOINETTE A. MALICSE

Check Also

Touching Lines

I REACHED for your cheek, but the tips of my fingers hit the hard cold …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *