Friday, June 25

Faces of Dapitan

Joselle

Joselle

Faces of Dapitan
“Para sa’yo, mahalaga ba ‘yung failures sa buhay para maging successful ‘yung isang tao?” “Sobra. Sa’kin, ‘yung failure hindi siya negative—strength siya. Kasi from that, marami kang lessons na matututuhan and alam mo na mga pagkakamali [mo] na ‘yung mga ‘yun, hindi mo na dapat uulitin sa susunod.” “Ano ‘yung mensahe mo sa mga taong nakararanas ngayon ng failures sa buhay?” “Walang masamang umiyak. Iiyak mo lang lahat. Sabi nila mahina ka kapag umiiyak, pero hindi. Mas malakas ka ‘pag umiiyak [ka]. Mag-focus ka sa mga bagay na makakapagpasaya sa’yo. Kung nag-fail ka sa isang bagay, ibaling mo ‘yung tuon mo sa isang bagay kung saan makikita mo kung ano pa ‘yung capabilities mo." - Joselle, 19, AB Journalism Interview by CRISTINA ELOISA A. BACLIG Photo by MIKAELA CECILLE
Vilma

Vilma

Faces of Dapitan
“Gaano katagal na po kayong kasal?” “Eighteen years.” “Ano ang advice niyo sa mga kabataan about relationships?” “[Maging] truthful ka. ‘Yung trust mo sa partner mo, palaging nandoon. […] Noong nag-asawa kami ng mister ko, palagi kong sinasabi sa kanya na ‘Buhay mo, buhay ko.’ Hindi porket mag-asawa na tayo, ‘yung labas ko sa friends ko, pagbabawalan mo ako, o labas mo sa friends mo, pagbabawalan kita.” - Vilma, 44 Interview by JULIA MARI T. ORNEDO Photo by KOBE ADAM JOSHUA S. LAURENA
Ronald

Ronald

Faces of Dapitan
“Ano po ‘yung pinakamasakit na karanasan niyo pagdating sa pagmamahal?” “‘Yung isang beses na nagkahiwalay kami ng wife ko dahil lang sa hindi pagkakaintindihan. Umuwi siya sa pamilya niya, umuwi ako sa pamilya ko. Nag-last din ng two months bago kami nagkaayos. Mahirap kasi nakasanayan mo na araw-araw nandiyan siya, ‘yung mga anak mo. […] Nalagpasan din naman.” “Paano po ba ‘yung pagmamahal niyo sa asawa niyo?” “Eleven years na kami. Sa tagal na ‘yun, nandoon na ‘yung lalim ng love. […] Kung ano ‘yung gusto ng isa, susuportahan ng isa. Minsan mag-aaway; ‘pag maiinit ‘yung ulo ng isa, magpapakumbaba na lang ‘yung isa. Kung puro kayo init ng ulo, hindi magtatagal ‘yung relasyon [niyo]. [Kapag] puro away, nakakasawa rin ‘yun. Kaya [ang] ginagawa ko ‘pag nagagalit siya, nandoon l
AJ and Chariz

AJ and Chariz

Faces of Dapitan
“Did you experience hardships while being together?” Cha: Yes, madami. [Katulad ng] trust issues, ganyan. AJ: [A]ko kasi ‘yung tao na masikreto, so nahirapan akong mag-open up sa kanya. […] For me, parang hindi naman siguro need sabihin pero para sa kanya, kailangan, kasi nga relationship ito so dapat open. Dapat may trust kami sa isa’t isa. “Was there a time when you thought your relationship won’t work?” AJ: Actually, may time na ganun. Part talaga ng relationship ‘yun e, mas nangingibabaw lang ‘yung love and trust kaya siguro together pa rin kami hanggang ngayon. “Can you tell us the secret of your relationship?” AJ: CTRL, ‘yun ‘yung keyword para sa amin. C for commitment, T for trust, R for respect, and L for limitations. Kailangan alam namin iyon para tumagal ‘yu
Lovely

Lovely

Faces of Dapitan
“Mas importante po bang mahalin niyo muna ‘yung sarili niyo bago kayo magmahal ng iba?” “Nagkaroon po ako ng isip na dapat po unahin po muna ang sarili. Kasi po ‘yung nangyari po sa’kin, binigay ko po lahat ng pagmamahal ko sa kanya (asawa) na wala na pong natira para sa sarili ko; naging martyr po ako. Pero ngayon po […] naliwanagan na po ako na dapat magtira ka po para sa sarili mo. ‘Di lang para sa ibang tao, para rin sa sarili mo kasi di ka naman mamahalin niyan kung ‘di mo mahal [ang] sarili mo. “Sa relasyon po, ano po ang importanteng bagay maliban sa love?” “Kailangan po talaga ‘wag pong sisirain ‘yung tiwala. […] Tiwala po saka respeto na lang po sa relasyon niyong dalawa, ‘yun po ‘yung pinakamahalaga sa mag-asawa, mag-boyfriend. Kapag nawala po kasi talaga ‘yun, hindi
Erin and Vienne

Erin and Vienne

Faces of Dapitan
"What makes him or her special from others?" Vienne: Kahit na hindi pa kami ganoong ka-close noong una, masyado siyang concerned, masyado siyang maalaga. [...] Sa kanya lang ako nakakapagsabi ng mga naiisip ko talaga. Sa kanya lang ako nakakapag-share. Erin: Ito talaga kasi hindi nakikipag-usap sa ibang tao kaya mahiyain 'yung sagot niya. Ewan ko ba kung bakit sa akin ang daldal-daldal nito. "Can you tell us the secret of your wonderful relationship?" Erin: Total honesty and ‘yung pag-lean kay God. Total honesty in a sense na 'yung sa isa’t isa, and ‘yung sa parent, para sa side nila sure sila na you’re in the right hands. At [kay] God, para imbis na sa ibang tao mo i-kwento na nakiki-chismis lang, kay God [ka] na lang mag-lean. - Erin and Vienne, 18 and 20, students
Angela

Angela

Faces of Dapitan
"May tao bang matagal mo nang hindi nasasabihan ng 'I love you?'" "Nakakausap ko naman [sila] pero nahihiya akong mag-'I love you' sa grandparents ko. I live with them, tapos syempre iniisip kasi natin na corny magsabi ng 'I love you' pero hindi natin maiiwasan na time constrained ang mundo. Feeling ko kailangan nating i-express ‘yung love natin as much as we can kasi hindi natin alam na baka the next day, wala na sila [at] hindi mo na-express love mo sa kanila." "Ano 'yung mga gusto mong sabihin sa kanila?" “'Thank you,' 'I’m sorry,' and 'I love you' will come to mind. 'Thank you' kasi sila 'yung nagpo-provide sa aming magkakapatid, since hiwalay [na] ‘yung parents ko. 'I’m sorry' kasi hindi naman ako perfect granddaughter para sa kanila pero they still accept me, and 'I love
Honeylen

Honeylen

Faces of Dapitan
"May lessons po ba kayong natutunan last year?" "Siguro, everything happens for a reason." "Paano mo po siya pwedeng ma-aapply sa buhay mo this year?" "Ngayon, parang go with the flow ka na lang, 'yung 'di mo na iisipin muna ‘yung bukas. ['Y]ung ngayon [na] lang para makapag-focus and just be happy." - Honeylen, 19 Interview by CRISTINA ELOISA A. BACLIG Photo by MARIELLE FRANCHESCA L. SANTIAGO
Renato

Renato

Faces of Dapitan
"Ano ang gusto mong baguhin sa buhay mo ngayong taon?" "Ngayong taon gusto ko nang baguhin, unang-una, 'yung aking katamaran. Gusto ko rin baguhin ang pananaw ko sa buhay na maging laging positibo lang at magkaroon ng maraming biyaya. Iisipin ko lagi na sana walang magkakasakit sa amin, walang [mangyayaring] masama. Patuloy ko lang gagawin 'yung trabaho [ko] nang maayos." - Renato, 33, tricycle driver Interview by LORRAINE B. LAZARO Photo by KRISTELA DANIELLE S. BOO
Pimping

Pimping

Faces of Dapitan
“May New Year’s resolution ka ba?” “Ita-try ko na po sumunod sa mga kapatid ko at ita-try ko na po mag-open up sa mga tao po dahil never pa ko nakapag-open up.” “Bakit ‘yun ‘yung naging resolution mo?” “’Di naman po pwedeng nasa sarili lang lagi ‘yung mga problema, ‘di ba? Dapat meron ka pong makakausap tungkol sa mga ganun.” “May natutunan ka ba last year na dinala mo hanggang 2018?” “Kailangan pong magkamali para mas gumaling. Last year, muntik na po ako bumagsak [ng] Grade 6, kaya ita-try ko na po i-improve ‘yung sarili ko ngayon.” - Pimping, 13, student Interview by JULIA MARI T. ORNEDO Photo by ANA BARBARA S. SAN DIEGO