Monday, October 25

Letters

Ang Sadit na Planeta: Ang Kasiyahan sa Pag-iisa

Ang Sadit na Planeta: Ang Kasiyahan sa Pag-iisa

Letters
ISA sa mga naidulot ng pandemya ay ang pagkalayo ng mga tao sa kanilang mahal sa buhay. Nauwi ito sa pakiramdam ng pag-iisa sa kanilang sariling mundo. Marami ang nawalan na ng gana at nanatili na lamang sa kung saan sila naroroon—walang bahid ng pagganyak habang patuloy ang mga araw. Dahil dito, hindi maiiwasan ang pakiramdam ng lumbay na pinalala ng kanilang pag-iisa. Ngunit sa kabila ng paghihirap na dulot nito, maaari pa rin makapagbigay ng makabuluhan na pagbabago ang karanasan na ito.  Kasama sa finalists ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2021 ang pelikula ni Arjanmar Rebeta na Ang Sadit na Planeta. Gamit ang 360-camera, tinalakay ng pelikula ang pakiramdam ng pagkakulong sa sariling mundo na karaniwang nararamdaman ngayon ng maraming tao. Nagsimula ang pel
Looking for Rafflesia and Other Fleeting Things: Paghahanap sa Identidad

Looking for Rafflesia and Other Fleeting Things: Paghahanap sa Identidad

Letters
by RAMON CHRISTIAN G. PLACIDO  MAY MGA taong hindi bukas ang puso sa pagmamahal ng mga nilalang na naiiba sa kanila. Nananaig sa kanila ang pang-aalipusta ang mapaminsalang ideolohiyang itinatag ng lipunan. Kaya nananaig sa ilan ang takot na ihayag ang tunay na sarili sa lipunan dahil sa pangambang kuyugin sila ng matitinik na salita sa kanilang pagkatao. Ito ang matutunghayan sa pelikulang Looking for Rafflesia and Other Fleeting Things na binigyang direksiyon at isinulat ni James Fajardo. Kasama ito sa mga maikling pelikula na itinatampok sa ika-labing pitong edisyon ng Cinemalaya Independent Film Festival. Sumusubaybay ang pelikula sa isang binatang nagngangalang Gubat (Reynald Raissel Santos). Maraming naghihinalang siya ang tikbalang na pumapaslang sa mga residente ng kan
Ang Pagdadalaga ni Lola Mayumi: Hilom at Hiling

Ang Pagdadalaga ni Lola Mayumi: Hilom at Hiling

Letters
by DAWN DANIELLE D. SOLANO  SA HARAP  ng kagimbal-gimbal na mukha ng mapait na nakaraan, mahirap panatilihin ang mapayapang pamumuhay sa kasalukuyan. Ang iba ay nasanay na sa ganitong kalagayan, sa pag-aakalang sila ay nakaligtas na mula sa hirap. Ngunit, may ibang dinadala ang trauma hanggang sa pagtanda, na tila ba ay hindi sila hinilom ng oras. Tampok sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2021 ang likha ni Shiri De Leon na pinamagatang Ang Pagdadalaga ni Lola Mayumi. Ito ang kapighatian ng isang matandang dalaga, at sa kaniyang hiling na maranasan ang kaniyang pagiging babae, muli siyang magdadalaga. Sa simula ay makikita si Lola Mayumi (Ruby Ruiz) na nag check-in sa isang motel kung saan siya ay namukaan ng resepsyonista. Pilit na tinatago ni Mayumi ang kaniya
Ate O.G.: Tagisan ng Pribilehiyo

Ate O.G.: Tagisan ng Pribilehiyo

Letters
by FATIMA B. BADURIA  SA PAGITAN ng mayaman at mahirap, hindi mapagkakaila ang lubhang malaking agwat. Lagi, ang mga namumuhay nang mariwasa ay tila may sariling mundo sa tuktok ng mas malawak na daigdig. Mula sa kanilang kinatatayuan, nag-iiba ang tanawin nila ng nasa ibaba. Minsan, sa kalayuan, lubos na nagbabago ang maliliit na pigurang nasisilayan ng kanilang mata. Tila nababawasan ang pagkatao ng mga mahihirap sa kanilang paningin. Sa panahong mas kinakailangan ang pagiging makatao, nananatili ang distansiyang ito sa kasalukuyan— dagdag sa hamon ng pandemya. Sa maikling pelikulang idinerehe at isinulat ni Kevin Mayuga, ang Ate O.G. ay sumasalamin sa malaking puwang na pumapagitna sa mahirap at mayaman. Lalo pa itong tumitindi sa harap ng napapanahong krisis. Kahit walang
Maski Papano: Pagsubok at Pag-asa

Maski Papano: Pagsubok at Pag-asa

Letters
by ABIGAIL M. ADRIATICO   NANG MAGSIMULA ang pandemya, maraming industriya ang nakaranas ng matinding epekto ng lockdown. Dahil dito, malaking porsyento ng mga manggagawa ang nawalan ng trabaho. Napilitan silang maghanap ng panibagong pagkukuhanan ng panggastos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Kasabay nito ang pakiramdam na nawala na ang kanilang silbi sa industriyang dating kinabibilangan.  Ang pinagdadaanan ng mga manggagawa ngayong panahon ng pandemya ay nabigyang pansin sa pelikulang Maski Papano, isa sa mga finalists ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2021.  Sa direksyon nina Che Tagyamon at Glenn Barit, ang kwento ng pelikula ay umiikot sa isang humanoid na face mask na hinahanap ang taong nagmamay-ari sa kaniya matapos itong matapon
Kids on Fire: Dark Humor and Darker Truths

Kids on Fire: Dark Humor and Darker Truths

Letters
by FATIMA B. BADURIA    FAITH IS poles apart from the idea of fear, but shallow beliefs can make the two unintelligible. In a country dominated by Christian beliefs, such ideological impact is a culture of crude moral standards wherein children can easily fall prey to. Directed and written by Kyle Nieva, Kids on Fire is a satirical depiction of children’s subjugation to Christian beliefs by people with little faith themselves. Within a short period, the film tells a story of young people with ingenious minds, wide eyes, and open palms discovering beliefs. Ironically, it is mostly fear that they find in their hands. In a religious camp, young J.C. (Alexis Negrite) finds himself at a loss after being immersed in Christian teachings for days. Though willing to be imbu
Ang Mga Nawalang Pag-asa at Panlasa: Reality Told in Flavors

Ang Mga Nawalang Pag-asa at Panlasa: Reality Told in Flavors

Letters
by FATIMA B. BADURIA   TASTE BUDS have been sources of little yet thrilling pleasures, but even this can be filched by the virus. Most times, it steals other things aside from the senses: life in its various, and subjective meanings. There have been different ways in which people savor life’s sweetness. Now, their narratives are similarly smeared with the displeasing tang of COVID-19.  Ang Mga Nawawalang Pag-asa at Panlasa depicts this pervasive truth within a smaller scale of reality. Director Kevin Jay Ayson with co-director and writer Mark Moneda zooms in their lenses to the rich, steaming pots of Ilocano cuisine. It is in this aspect that they tell a story tarnished by the virus. By spotlighting bona fide Ilocano food entrepreneurs, the documentary recounts another pa
Kawatan sa Salog: Ang Binagong Bayani

Kawatan sa Salog: Ang Binagong Bayani

Letters
by DAWN DANIELLE D. SOLANO   ANG PAGKAKAROON ng pambihirang katapangan, kalakasan, at moralidad ay tatatlo lamang sa mga katangian na nag-dedepina sa pangunahing bida ng isang kwento. Ngunit, sa kabila ng nakasanayang kayarian ng isang bayaning magiting, mayroong bayani na walang tinataglay ni-isa sa mga nabanggit na katangian. Sa limitasyon na kalakip ng pandemya, nagbabalik ang online edition Cinemalaya Independent Philippine Film Festival sa ikalabing pitong taon nito. Isa sa labintatlong obra na nagpapamalas ng kagalingan ng Pilipino sa paggawa ng maikling pelikula ay ang kwento ng pagbabago ng isang may kapintasang bayani. Sa direksyon ni Alphie Velasco, ang Kawatan sa Salog ay tungkol kay Santi, isang batang lalaki na may kakulitan ang kamay, na naglayas matapos
Crossing: Siklo ng Kapangyarihan

Crossing: Siklo ng Kapangyarihan

Letters
by DAWN DANIELLE D. SOLANO ANG MAPANIRANG kalikasan ng tao ay kaagapay sa mapanakit na sistema ng pananamantala sa mahihina. Ngunit hindi natatapos dito ang siklo, ito ay pinagpapatuloy ng napagsamantalahan sa mas mahihina sa kanila. Kung titignan ang kasaysayan ng saligutgot sa mundo, isa itong siklo na nakaukit na sa kaugalian ng tao.  Kabilang sa labintatlong maiikling pelikula na tinatampok ng Cinemalaya Independent Philippine Film Festival 2021 ang kwento ng isang desperadong security guard na naghahanap ng makakapitan sa oras ng kaniyang kagipitan Si Gabriel Arkanghell (Niño Mendoza) ay isang ama na nais maligtas ang buhay ng kaniyang anak, ngunit sa kaunting kita niya sa trabaho, malabong matupad niya ito. Upang maibsan ang kaniyang suliranin, napag-desisyunan niyang na
Bughaw, Pula, Dilaw, at Puti

Bughaw, Pula, Dilaw, at Puti

Letters
Minasdang mabuti ni Mang Kaloy ang kabuuan ng kaniyang bagong dyip. Ang kaniyang mga mata ay gumala mula sa mga makikintab na gulong tungo sa bakal na barandilya nito. Huminga ang matandang tsuper sa kamanghaan. Dalawampu’t limang taon siyang namuhay sa pagba-boundary, ngayon ay nakangising hinihimas ang taklob ng makina ng naipundar niyang dyip.  Kailangang matuyo ang pintura bago matapos araw dahil bukas ay araw ng pamamasada. Makikita ang pagsayaw ng mga kulay ng kanyang dyip sa gitna ng kalsada.  Bughaw na kasing tingkad ng kalangitan, kasing linis ng tubig ng isang tagong batis. Ngunit, para kay Mang Kaloy, ang bughaw na ito ay tumatayong paalala sa kaniya ng lahat ng ipinawis niya sa pagkayod.  Pula na kasing tapang ng araw sa dapit-hapon, kasing lapot ng dugong duman