Sorbetes
GA-GRADUATE NA ng kolehiyo si Jun. Sa wakas, matatapos na rin ako sa pagpapaaral. Sa kabila nito, parang mas gusto ko na lang na manatiling tagabayad ng matrikula. Nang makaalis ng kolehiyo, isa-isa nang nagsipag-alisan sa bahay ang aking mga supling… naglalakbay, nagsisilang ng sarili. Uuwing paminsan-minsan, padalang nang padalang.…