Friday, September 30
Shadow

Lovely

“Mas importante po bang mahalin niyo muna ‘yung sarili niyo bago kayo magmahal ng iba?”

“Nagkaroon po ako ng isip na dapat po unahin po muna ang sarili. Kasi po ‘yung nangyari po sa’kin, binigay ko po lahat ng pagmamahal ko sa kanya (asawa) na wala na pong natira para sa sarili ko; naging martyr po ako. Pero ngayon po […] naliwanagan na po ako na dapat magtira ka po para sa sarili mo. ‘Di lang para sa ibang tao, para rin sa sarili mo kasi di ka naman mamahalin niyan kung ‘di mo mahal [ang] sarili mo.

“Sa relasyon po, ano po ang importanteng bagay maliban sa love?”

“Kailangan po talaga ‘wag pong sisirain ‘yung tiwala. […] Tiwala po saka respeto na lang po sa relasyon niyong dalawa, ‘yun po ‘yung pinakamahalaga sa mag-asawa, mag-boyfriend. Kapag nawala po kasi talaga ‘yun, hindi na po talaga maibabalik ‘yun.”

– Lovely, 19, food vendor

Interview by SYRAH VIVIEN J. INOCENCIO
Photo by KRISTELA DANIELLE S. BOO

Leave a Reply

Your email address will not be published.