Monday, July 4

Abelina: “Sawang-sawa na kami sa sirang pangako.”

Photo by RAINIEL ANGELYN FIGUEROA/ THE FLAME

“Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?”

Hindi ko pa alam eh. Baka si Bongbong o si Isko Moreno. 

“Bakit si Bongbong at Isko ang pinagpipilian niyo?”

‘Yun lang siguro ang [mga] tamang tao na makakatulong sa aming mahihirap. Sawang-sawa na kami sa sirang pangako. Di kami makakuha ng tulong [mula] sa gobyerno. Parang ako na nagkaroon ng karamdaman, wala namang nakatulong sa akin sa DSWD (Department of Social Welfare and Development). Wala. 

“Kung may batas kayong gusto ipapasa sa susunod na Presidente, ano iyon at bakit?”

Sana naman ‘yung [batas] na makakatulong. Sana naman ituloy na nila ‘yung [kailangan] ng mga mahihirap. Unahin nila. Hindi naman humihingi ng malaking tulong ang mahihirap…. [Sana] hindi puro pangarap. Nakakasawa na. Sitenta anyos na ako [pero] wala pa rin akong nakitang gobyerno na tumulong sa akin. 

               – Abelina, 70

Interview by LILA F. MORTEL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *