Sunday, August 7

Javier: Para sa mga manggagawa

Photo by RAINIEL ANGELYN FIGUEROA/ THE FLAME

“Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?”

Sa ngayon, wala pa. Pinag-uusapan pa namin, [pero baka] ‘yung dating Mayor dito sa Maynila—si Isko. 

“Kung may batas kayong gusto ipapasa sa susunod na Presidente, ano iyon at bakit?”

Sana yung [sa] COVID-19 [kasi] nahihirapan na kami… Saka ‘yung batas sana [para sa] mga maggagawa. Sana tumaas ang mga sahod namin, dahil mataas na rin ang pagkain. Magkano na lang sahod namin dito: P537. Magkano nalang ang matitira sa P537 sa isang araw na pangkain namin? Iyong pamilya namin, malayo pa—nasa probinsya. Kaya ang hirap talaga sa amin. 

               – Javier, 46

Interview by LILA F. MORTEL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *