Friday, March 24
Shadow

Marivic: “Naghahanap nalang ng paraan.”

PHOTO BY GHERMALYNE CARANDANG/ THE FLAME

Sapat ba ang kinikita niyo sa isang araw para matugunan ang inyong pang araw araw na pangangailangan?

“Okay naman, depende kasi sa araw. May matumal, ‘pag hindi naubos ang manok. ‘Di kagaya [kapag] naubos talaga. Solve lahat ‘pag naubos lahat ng paninda namin.”

Gaano po kadalas yung mga araw na matumal?

“[Mas madalas] yung matumal. Bilang lang ‘yung araw na mabili […] kasi sa sobrang mahal ngayon ng manok. Hindi kagaya noon na ang manok [ay] mura, ngayon sobrang taas [ng presyo] kaya matumal.”

Paano niyo tinutustusan ang mga pangangailangan ninyo?

“Naghahanap nalang ng paraan. Kung kulang sa pambayad, pwede naman kausapin ‘yung may-ari ng [supply ng] manok.”

Sa tingin niyo, anong mga pagbabago ang dapat mangyari para mabawasan ang taas ng bilihin at matulungan tayo?

“[Dapat] bumalik na ang dati. Nung nag-umpisa ang pandemic, ‘di na talaga bumalik. Gusto namin ‘yung dati bumalik kasi malakas ang Balintawak [noon]. Ngayon, matumal na. Maraming negosyante dito ang nabagsak [mula nang] nag-umpisa ang pandemic kasi marami nang patakaran. Kagaya ngayon wala nang jeep. Dati [noong] may jeep, maraming customer dito. Iba na talaga ngayon.”

 

     – Marivic, 58

 

INTERVIEW BY VERSY MENDOZA

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *