
If there’s one person you can dedicate the accomplishment of your thesis to, who would it be and why?
“Sa sarili ko […] hindi ko rin inakala na aabot ako sa ganitong stage na makakayanan ko, ‘yung ganong stress, ‘yung ganong hirap, ‘yung rigorous na paggawa ng papel. Kaya ‘yun, dine-dedicate ko ‘yun sa sarili ko.”
How do you feel now that you’re a few months away from marching in QPAV?
“Siyempre, halo-halong emosyon din. Una, masaya kasi, ‘yun nga nairaos yung apat na taon. I mean ‘di lang nairaos, naenjoy [at] nakayanan. Like hindi lang bare minimum ‘yung pinut in kong effort and mag-aaccumulate na ‘yun sa mismong pagmartsa sa QPAV so masaya ‘yung feeling. Pangalawa, malungkot kasi yun nga kung sana lang pwede i-freeze ‘yung time na [ganito] pa rin na college na easy-easy lang. Kasi sabi ng iba mas prefer nilang mag-aral kaysa magtrabaho. Sana mali sila.”
Do you have any advice for your juniors who are currently in the process of writing their thesis?
“Siguro, sa’kin, kumuha kayo ng attentive and magaling na adviser, kasi sila ‘yung pangatlong mata niyo. Since by pair ‘yun, siya ‘yung magbibigay ng ibang insights na hindi naiisip niyong dalawa as estudyante palang. So piliin niyo ‘yung adviser na attentive, laging nandyan, and ‘yun talagang forte niya yung field ng thesis niyo.”
-Verson John Ora, political science senior
Interview by VERSY MENDOZA