Joan: I’m giving her the freedom to choose for herself

Photo by Madeleen Saguid/ THE FLAME

What is your advice to your daughter since she is about to face a new chapter of adulthood? 

Well, ang lagi kong sinasabi sa daughter ko, kay Kiana, since very masunurin siya sa’min, minsan, as a parent, syempre ako ito yung gusto ko, ito ang dapat mong gawin. Pero ang lagi kong sinasabi sa kanya, minsan darating ka sa point ng buhay mo na you have to decide on your own. So kahit na gusto niya kaming sundin pero kung tingin niya dito siya sasaya, ito ‘yung babagay sa kanya, she has to make that decision for herself.”

 

What is the most rewarding part of being her parent? 

“Siguro ‘yung napalaki ko siya talaga na, alam mo ‘yun, no questions asked. Pag may gusto kami, kahit na alam kong masama ‘yung loob niya, susundin niya. Ngayon na ga-graduate na siya, parang nabigay niya na sa’min all her life ‘yung pagsunod. So parang ngayon I’m giving her the freedom to choose for herself na.”

 

What is the most memorable experience you’ve had with your daughter as they pursue their desired program here in UST?  

“ ‘Yun nga ‘yung laging tinatanong ko sa kanya kung ano yung experience niya rito. So far, sabi niya talagang na-enjoy niya. Unang una, ‘yung mga classmates niya […] sabi ko nga sa kanya, while pursuing your dreams, ine-enjoy mo rin, balance lang. Hindi ako nag e-expect ng kahit ano, gusto ko lang yung makatapos siya nang maayos. And natuwa naman ako kasi very tahimik and ‘di siya pala-labas ng bahay. Nagkaroon siya ng friends because nandito ako [by her side].”

 

What do you wish for your daughter as they now face the world outside UST?

“All parents naman isa lang naman ang wish. Ako personally, sabi ko nga sa kanya kung saan siya sasaya dun siya, at ‘yun lang ang gusto kong gawin niya, [to] enjoy life.”

 

     – Joan Santiago, parent of economics graduate Kiana Verdon

 

Interview by CALI ASAJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts