
“Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?”
Ang iboboto ko ay yung taga-Maynila… kasi Maynila [taga] ako eh. Si “Yorme,” Isko… kasi napakarami niyang natulungan na taga-Maynila at [isa] na diyan ‘yung sa pagkain, ‘yung mga food pack. Ilang buwan, noong pandemic, hindi niya kami pinabayaan. Kaya [si Isko] ang iboboto ko kasi may pusong Pilipino talaga.
“Kung may batas kayong gusto ipapasa sa susunod na Presidente, ano iyon at bakit?”
Ang sa’kin, ang gusto ko [ay] ‘yung sinimulan ni President Digong sa droga kasi maraming kabataan [ang] nasisira [ang buhay] eh, hanggang sa ngayon… ‘di pa rin natatapos. Ang gusto ko, ipagpatuloy niya iyon, at saka “Build Build Build.”
– Ernesto, 54
Interview by LILA F. MORTEL