Monday, September 26
Shadow

Photo of the Week (11/27/16)

perea-3
Sa kislap ng watawat,
Nakita ko ang kalayaan.
Ningning ng bitwin at araw
Kumakapit sa alapaap,
Umaakit sa aking mata.
(Perlas ng Silanganan)
 
Ngunit kumupas ang asul,
Sa pagdilim ng paligid.
Isang himagsik,
Laban sa pagsakop
Ng sistemang
Winasak ng salapi.
 
Sumisiklab ang pula
Katulad ng agos
ng dugong nawawala
(Ang mamatay ng dahil sa ‘yo)
 
Lumalabo ang paningin,
Sa patuloy na gulo.
Danas ng inang bayan,
Hindi ko maunawaan.
 
Sa kislap ng watawat,
Nakita ko ang kalayaan.
Ngunit ngayon,
Ako’y namulat
Sa tunay nitong kalagayan.
(Sa dibdib mo’y buhay)
F
 
Words by VIVIEN CLARISSE C. LEYNES
Photo by JANINE C. PEREA

Leave a Reply

Your email address will not be published.