Suring Basa: Kondenado ni Paul Castillo
PINAGTITRIPAN TAYO ni Paul Castillo. Kinakalikot niya ang bawat gunita natin sa pandemyang minsang nilimot. O tinatangka pa ring malimutan hanggang ngayon. Sa lengguwaheng Gen Z, ang ating mga core memory. Sa pagkakalikot ng mga alaalang ito umiikot ang unibersong umaalpas sa kaniyang likhang kuwadrado: ang kaniyang aklat na Kondenado…










