Ang wikang Filipino sa dila ng mga Inggliserong bata
HINDI NAMAN mahirap pakisamahan ang batang si Alex, pero napag-iiwanan siya kapag nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Ayon sa mga magulang ni Alex, tuwing nakikipaglaro at nakikipagdaldalan ang 11-taong gulang na bata sa kaniyang mga kalaro, madalas itong nahuhuli pagdating sa konteksto ng mga biro. “Nahihirapan siyang makipagkaibigan dito, kasi…
