Sa iyong tingin, mas dapat bang gamitin ang Filipino bilang pangunahing paraan ng pagtuturo sa mga paaralan, lalo na sa mga kursong umaasa sa wikang Ingles tulad ng agham at matematika?
“To answer the question, yes, oo. Kasi unang una mayroon tayong batas eh, nasa konstitusyon yan eh, na ang Filipino ang wikang panturo, […] ani nga ni Dr. Almario Virgilio, national artist for literature, na hindi naman kasi kailangan palitan yung mga salita kada salita, o isalin salita kada salita, ngunit kailangan yakapin ang wikang Filipino, at wikang Ingles, upang makamit ang tinatawag na intelektwalisasyon.”
Para sa iyo, anong mga aksyon ang pwedeng gawin ng mga institusyon para mas mapabuti ang mga kursong Filipino?
“Isang magandang hakbang ang pagkakaroon ng batas o polisiya mula sa gobyerno sa kasalukuyang administrasyon upang sundin ng mga paaralan. Sa lebel ng paaralan, internally, maaari naman natin na bigyang pansin ng mga administrators ang pagpapatibay sa paggamit ng ating wikang Pambansa […] sa pagbibigay ng mga courses, general education courses.”
– Aaron De Sagun, political science student
Interview by Katrizha Caye de Leon