Ryoma

“Ngayon ba nafi-feel mo na ‘yung ber months na ‘vibe,’ ‘yung parang festive na kasi magpapasko na?”

“Hindi ko pa masyadong nararamdaman ‘yung ‘ber months kasi masyado kaming focused sa thesis. You know, fourth year life, so medyo dini-desregard pa namin ‘yung thoughts about Christmas kasi kailangan namin mag-focus sa thesis namin.”

“Other than that, may iba pa bang factors kaya mo nasabing ‘di mo pa nafi-feel ‘yung usual festive na mood ng ber months?”

“Marami kasing social issues [ngayon e]. Like ‘yung recent lang, ‘yung namatay ‘yung Political Science graduate na si Horacio Castillo III, pati ‘yung [mga] kumakalat sa social media na baka daw mag-declare si Duterte ng martial law. So parang nawawala ‘yung essence ng Christmas which is happiness and peace.”

“Sa tingin mo ba may difference [‘yung] mga nae-experience mo tuwing ber months before compared sa mga nae-experience mo sa ber months this year?”

“Oo naman, syempre. Kasi alam naman natin talaga na maraming social issues kahit kailan. Pero siguro nare-realize mo lang din [na] as time goes by, [habang] tumatanda ka nga, nao-open ‘yung perspectives mo sa maraming bagay. Sa tingin ko nga mas masaya ‘yung ‘ber months ‘pag bata ka kaysa ngayon na marami ka nang alam at marami ka nang responsibilities in life.”

– Ryoma Tamayo, 19, AB English Language Studies

Interview by CRISTINA ELOISA A. BACLIG
Photo by MARIANNE LORRAINE M. SAMILING

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us