Archie Resos

“Ilang years na po kayong nagtuturo po dito sa AB?”

“I have been teaching here in AB for approximately 20 years now.”

“Bukod po sa natuturo niyo sa classroom, ano po ‘yung lesson na gusto niyo pong tumatak talaga sa students ninyo?”

“[S]ana mag-push through lang sila sa pangarap nila. Huwag nilang hayaaan na ma-down sila, lalong-lalo na if they fail. Kasi with the coming of failures, it can also strengthen you. Pangit naman kung wala ding mga failures sa buhay. Ang maganda [ay] kung papaano mo hinaharap ‘yung mga kabiguan na ito at kung papaano mo naman din [ito] nalalampasan.”

“May simple actions po ba from your students na, in a way, nagpapasaya po sa inyo bilang isang professor?”

“[Kapag] nag-aaral ‘yung estudyante, sayang-saya talaga ako diyan. […] Nalulungkot lang ako kapag nakita ko ‘yung estudyante na nawawalan na ng pag-asa at hindi na lumalaban. […] Lumaban lang kayo and in the end, mananalo rin kayo. Makaka-graduate din kayo.”

“Para sa inyo po, ano po yung mission ng isang teacher?”

“Ang pinakamission is to inspire. Inspire the students to reach for their goal and, in the fulfillment of that goal.”

– Archie Resos, Associate Professor, Department of History

Interview by CRISTINA ELOISA A. BACLIG
Photo by MIKAELA CECILLE S. SILVERIO

This interview is part of Faces of Dapitan Special: Anecdotes from the Academics done by Flame staffers in line with the celebration of National Teachers’ Month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us