Calvert Simon

“Ano ‘yung deepest or darkest fear mo ngayon sa buhay?”

“Siguro [‘yung] any form ng hindi pagtanggap. [K]ung baga sa organization, or hindi [ka] natanggap sa inapply-an [mo] na trabaho, sa parent, or sa mga kaibigan. Kung baga, ayaw kong ma-feel na hindi ako gusto, na hindi ako belong.”

“Mayroon bang context [itong] fear mo?”

“Siguro kasi darating sa point na lalabas na ako sa University at [papasok na ako] sa totoong buhay. […] Ano ba ‘yung mako-contribute mo sa mundo as yourself? Bilang totoong mundo, bilang realistang mundo, hindi sila tumatanggap ng mediocre lang. Dapat may isa kang tunay na magagawang difference at doon ako natatakot kasi baka hindi ko mapatunayan sa sarili ko at sa mundo na kaya kong gumawa ng difference.”

“What will be your advice to eradicate your fears?”

“Siguro hangga’t buhay ka pa at humihinga, maglakad. Kung ano mang kaya mo pang gawin sa buhay, gawin mo na. Unang una, gawin mo nang ikaw ay masaya, nang ikaw ay may sense of importance, na nararamdaman mo ‘yung sense of achievement mo, and kung ano man ang sabihin ng mga tao, of course, opinyon lang nila ‘yun, pero gamitin mo ‘yun as a way para mas ma-improve ang sarili mo.”

– Calvert Simon Vilaga, 19, AB Political Science

Interview by MARK JOSEPH B. FERNANDEZ
Photo by ANA BARBARA S. SAN DIEGO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us