“Ngayong year po, paano niyo ipagdiriwang ‘yung Christmas?”
“[H]indi lang ngayong year [pero] every year, nagsisimba kami ng mga anak ko kahit noong nasa probinsya kami. ‘Yung mga kapatid ko, nagsisimba kami tapos salu-salo sa bahay. […] Ganoon lang ‘yung paraan ng selebrasyon na meron kami—’yung magkakasama kaming buong pamilya.”
“Para sa’yo po ba, iba ‘yung Pasko mo ngayong taon kumpara sa mga nakaraang Pasko na naipagdiwang mo?”
“’Yung paraan ngayon ng pamumuhay medyo ‘di kagaya noon na talagang kumikita ka ng maayos [at] tuluy-tuloy ‘yung trabaho. Sa ngayon, kumbaga medyo bagsak ‘yung buhay, pero masaya pa rin kasi kasama mo pa rin ‘yung pamilya [mo], okay lang ‘yun. ‘Yun lang ang pagkakaiba para sa’kin.”
“Ano po para sa’yo ‘yung message ng Pasko?”
“Maging mapagbigay tayo; mahalin natin hindi lang ‘yung pamilya. Tigilan na ‘yung mga away. [K]apag meron kang masamang pakiramdam sa kapwa, mabigat pa rin ‘yun tapos ikaw din [ang] magdadala noon. […] Tapusin na ‘yung samaan ng loob; magkaroon ng magandang komunikasyon para hindi mabigat na magpatuloy sa buhay.”
– Carlo, 35
Interview by CRISTINA ELOISA A. BACLIG
Photo by MIKAELA CECILLE S. SILVERIO