“Sine-celebrate mo po talaga ‘yung Pasko every year simula noong bata pa po kayo?”
“Simula bata pa ako, ang nanay ko [ang nagsasabing] ‘Maghanda tayo sa Pasko.’ Hindi naman ‘yung Paskong handang-handa. Tama na sa amin ‘yung mag-pansit kami, meron kaming fried chicken, o meron kaming spaghetti at tinapay.”
“Ano po ‘yung wish mo ngayong Pasko?”
“Ang wish ko ngayong year para sa akin at para sa mga anak ko [ay] ‘yung humaba pa ‘yung buhay ko; ‘yung maganda ang palakad ng taon natin, at saka ‘yung mga anak ko, mabigyan ng malalakas na katawan para sa hanapbuhay.”
– Zenaida, 63, store owner
Interview by CRISTINA ELOISA A. BACLIG
Photo by MIKAELA CECILLE S. SILVERIO