Angela

“May tao bang matagal mo nang hindi nasasabihan ng ‘I love you?'”

“Nakakausap ko naman [sila] pero nahihiya akong mag-‘I love you’ sa grandparents ko. I live with them, tapos syempre iniisip kasi natin na corny magsabi ng ‘I love you’ pero hindi natin maiiwasan na time constrained ang mundo. Feeling ko kailangan nating i-express ‘yung love natin as much as we can kasi hindi natin alam na baka the next day, wala na sila [at] hindi mo na-express love mo sa kanila.”

“Ano ‘yung mga gusto mong sabihin sa kanila?”

“’Thank you,’ ‘I’m sorry,’ and ‘I love you’ will come to mind. ‘Thank you’ kasi sila ‘yung nagpo-provide sa aming magkakapatid, since hiwalay [na] ‘yung parents ko. ‘I’m sorry’ kasi hindi naman ako perfect granddaughter para sa kanila pero they still accept me, and ‘I love you,’ of course, kasi they’re my grandparents. Hindi naman ako obliged na mahalin sila, pero mahal ko lang sila dahil sa pagmamahal na binibigay nila sa akin.”

– Angela, 19, AB Communication Arts

Interview by MARK JOSEPH B. FERNANDEZ
Photo by ANA BARBARA S. SAN DIEGO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us