“Ano po ‘yung pinakamasakit na karanasan niyo pagdating sa pagmamahal?”
“‘Yung isang beses na nagkahiwalay kami ng wife ko dahil lang sa hindi pagkakaintindihan. Umuwi siya sa pamilya niya, umuwi ako sa pamilya ko. Nag-last din ng two months bago kami nagkaayos. Mahirap kasi nakasanayan mo na araw-araw nandiyan siya, ‘yung mga anak mo. […] Nalagpasan din naman.”
“Paano po ba ‘yung pagmamahal niyo sa asawa niyo?”
“Eleven years na kami. Sa tagal na ‘yun, nandoon na ‘yung lalim ng love. […] Kung ano ‘yung gusto ng isa, susuportahan ng isa. Minsan mag-aaway; ‘pag maiinit ‘yung ulo ng isa, magpapakumbaba na lang ‘yung isa. Kung puro kayo init ng ulo, hindi magtatagal ‘yung relasyon [niyo]. [Kapag] puro away, nakakasawa rin ‘yun. Kaya [ang] ginagawa ko ‘pag nagagalit siya, nandoon lang ako nakikinig. ‘Pag humupa na, ako naman makikipagusap, magpapaliwanag.”
– Ronald, 32, food vendor
Interview by SYRAH VIVIEN J. INOCENCIO
Photo by CAMILLE JANE C. ESCUBIO