“Ano po ‘yung masasabi niyong isa sa successful parts ng buhay niyo sa ngayon?”
“Hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral so hindi ko rin masasabi na successful ako pagdating sa ganun. [S]iguro swerte na lang, maswerte kasi sa sipag na meron ako para matulungan ‘yung mga kapatid ko na makapagtapos ng pag-aaral, para sa akin nag-succeed na ako sa ganun. Kasi syempre, hindi ko man nabigay sa sarili ko [‘yung edukasyon], at least sa pamilya ko naibigay ko. ‘Yun ang masasabi kong successful part ng buhay ko, ‘yung pwede ko maipagmalaki.”
“What life lessons have you learned from your work as a receptionist?”
“[‘P]ag may trabaho ka tapos maganda naman ‘yung income, pahalagaan mo ‘yun. Saka kung anong pera meron ka, ‘wag basta gastos nang gastos. Kasi dati wala [agad akong pera], pero ngayon mas okay na kasi may naiiipon ako. Tapos ‘wag basta-basta gamitin ang pera kung hindi kailangan kasi mahirap ang buhay. ‘Yun ang pinakanatutunan ko.”
– Leonali, 31, receptionist
Interview by MARK JOSEPH B. FERNANDEZ
Photo by MIKAELA CECILLE S. SILVERIO