Charlie

Photo by KRISTELA DANIELLE S. BOO/ THE FLAME

“Ano po ‘yung paghihirap na nalagpasan niyo na?”

“Dati, nagtatrabaho lang ako sa canteen. Syempre, magdamag ang oras [doon], 12 hours ang trabaho. Sobrang hirap tapos magkano lang ang sweldo? Maliit lang, P200 lang ang sweldo doon o P150. Ngayon, nag-tricycle na ako, kumikita na ako ng P1000 a day. Malaki ang diperensya, tapos sarili pa ‘yung motor. […] Ayun, medyo umangat-angat [ako] nang kaunti. Naka-produce na ako ulit ng isang motor, nakadalawa na. Pagtapos naman, makakakuha ulit ako ng panibago para maging tatlo na.”

“Ano ang pakiramdam na medyo nakakaluwag na po kayo sa hirap sa buhay?”

“Syempre, masaya. Maluwag na [ang] paghinga. Paggising sa umaga, wala nang iniisip na problema saka pasalamat din sa itaas na nakaraos na rin. Tapos minsan, ‘pag may sobra na pera, ipadala sa pamilya.”

“Anong payo ang maibibigay mo sa mga taong humaharap sa paghihirap ngayon?”

“Sipag at tiyaga lang, sir. ‘Yun ang puhunan para makaasenso [ka] nang kaunti. ‘Yun lang.”

– Charlie, 31, tricycle driver

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us