“Do you believe in happy endings?”
“‘Yung iba oo, ‘yung iba hindi e. Pero ako naniniwala ako sa happy ending.”
“Have you achieved your ‘happy ending?'”
“Oo, na-achieve ko na: ang anak ko. Naging maganda naman ‘yung pag-uugali niya, kaya ‘yun ‘yung masaya sa akin, ‘yung magkaroon ng anak na mabait. Siya na lang ‘yung kasama ko sa buhay kasi hiwalay kami ng tatay niya. Siya ang happy ending ko.”
“What lessons have you learned from your experiences in life?”
“Kailangan marunong [ka] muna mag-isip bago gumalaw. Dapat sigurado ka muna sa mga desisyon mo sa buhay kasi mahirap nang sisihin ang sarili kapag may nangyaring masama dahil sa mga desisyon mo.”
– Lorna, 44, mom