Maria Lourdes, 41
Interview by Janssen Anne Versy Mendoza
“Hihingi pa rin tayo ng dasal sa Panginoon”
Sapat ba ang kinikita niyo sa isang araw para matugunan ang inyong pang araw araw na pangangailangan?
“Okay naman, sakto lang.”
Ano naman po ang pinakamasaya parte ng trabaho niyo?
“‘Pag naubos lahat ng paninda mo, masaya siyempre. At dapat talaga, kahit na mabili o hindi, hihingi pa rin tayo ng dasal sa Panginoon na tukungan nila tayo. At saka sana [‘yung] mga korap sa gobyerno, mawala sana ‘yan para lahat tayo masaya.”
Rochelle, 20
Interview by Lila Victoria Reyes
“Mas maganda ‘kung pantay-pantay ‘yung lahat ng mga bilihin”
Sa tingin niyo, anong mga pagbabago ang dapat mangyari para mabawasan ang taas ng bilihin at matulungan tayo?
“Kailangan bumaba ‘yung presyo ng paninda. Mas maganda ‘kung pantay-pantay ‘yung lahat ng mga bilihin kasi may time na mabili at may time na hindi.”
Roldan, 40
Interview by Lila Victoria Reyes
“Kulang pa”
Sapat ba ang kinikita niyo sa isang araw para matugunan ang inyong pang araw araw na pangangailangan?
“Kulang pa.”
Gaano po kakulang yung kinikita niyo?
“Kaunti lang naman. Hindi mo nabibili yung lahat ng gusto mo, mga pangagailangan lang talaga.”
Kung hindi, paano niyo tinutustusan ang mga pangangailangan ninyo?
“Bina-budget nalang po kung ano lang yung mga kailangan.”
Sa tingin niyo, anong mga pagbabago ang dapat mangyari para mabawasan ang taas ng bilihin at matulungan tayo?
“Bawasan ang tax o kaya tanggalin nalang para bumaba [ang bilihin] kasi sa gobyerno rin naman mapupunta ‘yun. Eh ‘di ibigay na lang sa tao.”
Roy, 25
Interview by Lila Victoria Reyes
“Halos lahat kami dito magkakamag-anak [sa palengke]”
Sapat ba ang kinikita niyo sa isang araw para matugunan ang inyong pang araw araw na pangangailangan?
“Sapat naman. Sobra pa.”
Bakit po sobra pa?
“[…] sa lifestyle na ‘rin. Matipid lang. ‘Di pwedeng magastos.”
Ano po ang pinakamasayang parte ng trabaho niyo?
“Halos lahat kami dito magkakamag-anak. Siyempre hindi nawawala yung mga asaran. Lahat kasi kami magkakakilala [kaya may] biruan, ganyan. Pampawala ng antok. Lahat dito kasi pamilya.”
Joel, 45
Interview by Janssen Anne Versy Mendoza
“Masaya kapag ang suki mo nandyan lagi”
Sapat ba ang kinikita niyo sa isang araw para matugunan ang inyong pang araw araw na pangangailangan?
“Kulang.”
Bakit po kulang?
“Kasi matumal [ang benta], at ‘saka mahal ‘yung baboy ngayon.”
Paano niyo tinutustusan ang mga pangangailangan ninyo?
“Wala lang. Lumilipas lang yung araw-araw– ‘di okay lang naman ‘yung kita. Natutustusan naman. Nag-aaral na ng college ‘yung mga anak ko,”
Sa tingin niyo, anong mga pagbabago ang dapat mangyari para mabawasan ang taas ng bilihin at matulungan tayo?
“‘Pag kinukulang tayo ng mga karne, sa ibang bansa galing ‘yung iba. Katulad niyan, frozen meat ‘yan, sa ibang bansa galing ‘yan.”
“‘Di kayang supplyan ng Pilipinas ‘yung mga ganyan. ‘Yun dapat ang [magbago] dito sa’tin. Ang supply nagkukulang kaya tumataas ang bilihin.”
Ano po ang pinakamahirap na aspeto ng trabaho ninyo?
“Mahirap [kapag] matumal [bemta]. Walang namimili. ‘Yun ang pinakamahirap.”
Ano naman po ang pinakamasaya?
“Masaya kapag ang suki mo nandyan lagi. ‘Yung araw-araw namimili, kumpleto sila lagi. [Kapag] hindi matumal, nakakaubos ng paninda.”
Ramon, 48
Interview by Janssen Anne Versy Mendoza
“Minsan kulang, minsan sumosobra ‘din. Tama lang.”
Sapat ba ang kinikita niyo sa isang araw para matugunan ang inyong pang araw araw na pangangailangan?
“Minsan kulang, minsan sumosobra ‘din. Tama lang.”
Paano niyo tinutustusan ang mga pangangailangan ninyo pag kulang ang kita?
“Halimbawa, yung mga hulugan, hindi muna huhulugan. [‘Yung kinikita para] sa pagkain muna at mga mas kailangan.”
Marivic, 58
Interview by Janssen Anne Versy Mendoza
“Naghahanap nalang ng paraan.”
Sapat ba ang kinikita niyo sa isang araw para matugunan ang inyong pang araw araw na pangangailangan?
“Okay naman, depende kasi sa araw. May matumal, ‘pag hindi naubos ang manok. ‘Di kagaya [kapag] naubos talaga. Solve lahat ‘pag naubos lahat ng paninda namin.”
Gaano po kadalas yung mga araw na matumal?
“[Mas madalas] yung matumal. Bilang lang ‘yung araw na mabili […] kasi sa sobrang mahal ngayon ng manok. Hindi kagaya noon na ang manok [ay] mura, ngayon sobrang taas [ng presyo] kaya matumal.”
Paano niyo tinutustusan ang mga pangangailangan ninyo?
“Naghahanap nalang ng paraan. Kung kulang sa pambayad, pwede naman kausapin ‘yung may-ari ng [supply ng] manok.”
Sa tingin niyo, anong mga pagbabago ang dapat mangyari para mabawasan ang taas ng bilihin at matulungan tayo?
“[Dapat] bumalik na ang dati. Nung nag-umpisa ang pandemic, ‘di na talaga bumalik. Gusto namin ‘yung dati bumalik kasi malakas ang Balintawak [noon]. Ngayon, matumal na. Maraming negosyante dito ang nabagsak [mula nang] nag-umpisa ang pandemic kasi marami nang patakaran. Kagaya ngayon wala nang jeep. Dati [noong] may jeep, maraming customer dito. Iba na talaga ngayon.”
Lenlen, Store owner
Interview by Lila Victoria Reyes
“[‘Pag] Sama-sama kaming pamilya. ‘Yun ang gusto ko kahit mahirap [ang] buhay.”
Sapat ba ang kinikita niyo sa isang araw para matugunan ang inyong pang araw araw na pangangailangan?
“Hindi pa. Kulang pa dahil marami ‘din ang pinapasahuran, tapos tumaas ang mga bilihin. Tapos [ang] mga anak ko pa [ay] nag-aaral. Ayun, paikot lang din ‘yung pera.”
Paano niyo tinutustusan ang mga pangangailangan ninyo?
“Nagbibigay ako ng promissory note sa school. Pumapayag naman ‘yung school na may installment at promissory note.
Ano po ang pinakamahirap na aspeto ng trabaho ninyo?
“‘Yung mga ‘di ko mabili na kailangan ng anak ko, tapos ‘di ko kaagad maibigay.”
Ano naman po ang pinakamasaya?
“[‘Pag] Sama-sama kaming pamilya. ‘Yun ang gusto ko kahit mahirap [ang] buhay.”F