Sa darating na Lunes, Hulyo beinte dos, muling ilalatag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga plano ng kanyang administrasyon para sa bansa sa kanyang ikatlong Ulat sa Bayan.
Nitong nakaraang taon, umunlad ang ekonomiya ng bansa. Naipatupad din ang ilang mga batas para sa pag-unlad ng iba’t ibang sektor.
Sa kabila ng mga nagawa ng pamahalaan, patuloy itong humaharap sa samu’t-saring hamon gaya ng ilegal na pananatili ng mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea, mataas na presyo ng bilihin at mga suliranin sa sektor ng edukasyon.
Sa dami ng kailangang ayusin ng administrasyon, tinanong ng The Flame ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor: Anong isyu ang dapat mas pagtuunan ng pansin ni Pangulong Marcos sa ikatlong taon ng kanyang pamumuno?
Producer: Bianca Ysabel Abrencillo
Writer: Nicole Anne Bautista
Researchers: Nicole Anne Bautista, Pauline Nicole Bautista, Yelah Israel, Rachelle Anne Mirasol, Veancy Palad, Christian Querol, Ma. Alyanna Seda, and Mei Lin Weng
Voiceover Artist: Christian Querol
Artist: Angelika Mae Bacolod
Video editor: Eve Jazmine Ligaya