Talim

By RYAN PIOLO U. VELUZ

EDITOR’S NOTE: This piece is one of the works in a five-part series in line with the Dapitan 2019 theme Insureksiyon. All works that are part of the series are written by the Flame’s Letters staffers.

art by ARRIENNE JAN A. ENRIQUEZ

Sa pagsabog ng bukang liwayway
Liyab nito ay kawangis ng mga tala
At sa inusal na himig at salita:
Siyang sa akin ay bumuhay at gumising!
Letra at salitang sa atin—wikang pambansa.

Alab ko ay nilimliman sa diwa ng mga bayani
Lingas ay pinalakas sa mga pusong api
Sa mahabang panahon, pag-usbong ay natigil
Ako ay inalipin, sa sariling bayan ay sinikil
Tinanggal aking alab, ngunit ‘di ako nagpasiil.

Sa gitna ng rebolusyon, muli akong isinilang
Nagkatawang tao sa mga nobela, tula, at awitin
Ang baga sa pusong naupos, sa alab ko ay nagising
Nang mabasa at marinig, nayanig ang kalawang
Sandatang mapurol, ngayon ay matalim.

Aking alab nanumbalik, sabay ng tapang at bangis
Mga siklab ko ay umindayog, sa saliw ng pagsabog at putok
Dumanak ang dugo, mga dayuhang dila ay natahimik
Pagkat sa himpapawid, ako ang naghari
Gabay ko ay tatlong talang dakila, at ang haring araw sa gitna.

Ang dila ng bansa ay sadyang matalim
Purol ay hindi kilala, kalawang ay palalayasin
Wikang Filipino! Wikang Pambansa!
Makailang ulit mang tanggalin, palitan, at itakwil
Alab kong may kinang at talim ang siyang bubuhay at magbabalik sa akin. F

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us