Lilim

ELIJAH JOHN M. ENCINAS/ THE FLAME

Matindi ang tirik ng araw, nang napatigil ako sa lilim ng puno. Ramdam ang pagkapawi ng uhaw sa maginhawang simoy ng hangin. Nang nabatid ang futbol, biglang sumagi sa aking isipan si Rosa.

Siya ang maginhawang sinag sa aking umaga. Napapasakit ang tiyan sa mga kwentong pabaon niya. Nababahagian ng grasya sa mga kaalaman na hindi madaling maintindihan. Sinasayang namin ang oras sa mga kaligayahan ngunit sulit naman ang mga nabubuong ala-ala.

Noong nagdaang pasko, niregaluhan niya ako ng bola. Napakataas ng paningin niya sa akin kaya magsanay raw ako sa paglalaro nito. Ang bigay ko naman sa kaniya ay simpleng kwaderno paglikha ng mga piyesa niya. Kahit hindi magarbo ang natanggap niya ay nakapagiwan pa rin ito ng pagkasabik ng puso.

May mga asal na hindi namin masikmura sa isa’t isa. Nabibingi si Rosa sa akin kapag madumi ang aking dila samantalang naghihimutok ang aking puso kapag wala ako sa paningin niya. Ngunit napapawi ang mga nararamdamang ito sa mga lakad na may halong lungkot at ligaya.

Biglang tumigil ang puso ko nang nakarating sa akin ang balita. Hindi ko inaakala na kukunin siya bigla ng matinding pananalasang kasamang mabagsik na hangin. Halos mapuno na ang kanyang bibig sa pag-angat ng nagraragasang tubig.  

Pilit iniisip na imahinasyon ko lamang ang lahat nang nakita ang malamig niyang katawan. Kung agad siya napansin sa matinding pagdaranas, sabay namin sanang maisasabit ang pinangakong ginto ng katapusan. RAMON CHRISTIAN G. PLACIDO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us