Pamumunong Bakal sa ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ: ๐Ÿฌ๐Ÿฏ๐—ฑ๐Ÿญ๐—ฝ๐˜‚๐Ÿฑ_๐—ฟ๐Ÿฏ๐˜…

Byย RAMON CHRISTIAN PLACIDO

Image/Tanghalanag Ateneo

 

ANG ISANG NAMUMUNO ay may responsibilidad sa kapakanan at pangangailangan ng kaniyang nasasakupan. Sa mabuting pamamahala, napapanatili ang kapayapaan ng kaniyang nasasakupan at nagkakaroon ito ng progresibong mamamayan. Pero may mga namumuno na nagtatago ng dumi upang mapanatili ang kaniyang kapangyarihan sa taong bayan.

Matutunghayan ito sa dulang Password: Oedipus Rex na binigyang direksiyon ni Ronan B. Capinding. Ito ay ang modernong pagsasalaysay sa isang klasiko na Griyegong trahedyaโ€” Oedipus Rex ni Sophocles. Tatanghalin ang dula mula ika-8 ng Marso hanggang ika-21,ย  sa isang online streaming service, Ticket2Me.

Umiikot ang kuwento kay Pangulong Edipo (Yan Yuzon), mahal ng nakararami at magiting na punong tagapamahala sa kaniyang bayan. Magigimbal ang pangulo nang nakatanggap siya ng balita mula kay Ikalawang Pangulong Kreion (Marian Rivera-Dantes) na namatay sa bayan niya ang isang respetadong mambabatas na si Laio. Sa pagtuklas sa impormasyon na ito, hinanap ni Pangulong Edipo ang salarin sa pagkapaslang kay Laio upang malapatan ang kriminal ng sapat na hustisya. Subalit, makakaharap niya ang rebelasyon ng kaniyang nakaraan sa pagtuklas nang sanhi sa pagkamatay ni Laio.

Matalinghaga ang pagsasalin dila ni Rolando S. Tinio sa mga orihinal na kataga ng Griyegong dula. Naghatid ito nang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino na nagresulta sa natural na diyalogo ng mga karakter. Hindi ito nakapagbigay ng saliwang pakiramdam dahil sa paggamit ng bihira at wastong mga salita sa Filipino.ย 

Samantala, maayos na itinanghal ang dula dahil sa malinis na paglilipat sa bawat eksena. Akmang ginamit ang epektong biswal ng pagtatanghal dahil nakakadagdag ito ng makabagbag-damdaming presentasyon. Isang ehemplo nito ang buong talumpati ni Pangulong Edipo sa pagtugis ng salarin sa pagkamatay ni Laio kung saan nakatulong ang pag-edit sa pagsidhi ng eksena.ย 

Bukod dito, nabigyan nang bagong bihis ang dula sa paggamit ng napapanahong estetika sa disenyo ng produksiyon. Sinasalamin nito ang pamamahala sa kasalukuyang panahon kahit na ilang siglo na nakalipas noong inilabas ang salaysay. Akma rin sa panahong isinasadula ang mga kasuotang dala ng mga aktor sa tanghalan. Nagpapahiwatig ang mga damit sa mga kapangyarihang tinataglay ng kanilang mga karakter na nakakatulong sa kanilang makatotohanang pagganap.

Pagdating naman sa mga pagbibigay buhay sa mga karakter, makapangyarihan ang pagdala ng mga aktor sa kanilang ginagampanan. Nakakapagpigil hininga ang intensidad ng kanilang pagbibitaw ng mga salita at kilos sa dula. Tatlo sa mga aktor ang katangi-tangi sa pagbuhos nang emosyon sa entablado: Yan Yuzon, Marian Rivera-Dantes, at Miren Alvarez-Fabregas.

Ang pagganap ni Yan Yuzon namumukod tangi sapagkat damang-dama sa ikabuturan ng puso ang kanyang pag-arte bilang ang kapitapitagangย  Pangulong Edipo. Nakakapanindig balahibo ang pakikipagpalitan niya ng linya sa dula. Isang eksena rito ay ang paglapit niya sa kabiyak niya na si Unang Ginang Yokasta (Miren Alvarez-Fabregas) sa kaniyang pag-aalinlangan na magkatotoo ang ikinatatakot niyang propesiya. Perpekto ang kanyang pagganap dahil bukal sa puso ng aktor ang kanyang pagdadamdam sa mga nakagugulo sa isipan ng karakter sa trahedya.ย 

Matapang namang ginampanan ni Marian Rivera-Dantes si Bise Pangulong Kreion sa kaniyang kauna-unahan pag-arte niya sa dulaan. Mapangahas siya sa pakikipagsagutan sa kanyang mga kasama sa eksena. Ang pakikitunggalian niya sa mga bintang ni Pangulong Edipo ay nakakapagpalakas sa mga boses ng mga inaapi ng kanilang kinauukulan.ย  Ang tindi ng kaniyang pagganap ay humihiwalay sa mga karaniwang romansa na karakter sa telebisyon.

Dagdag pa dito, mahinhin na ginampanan ni Miren Alvarez-Fabregas ang munting kabiyak ni Pangulong Edipo na si Unang Ginang Yokasta.ย  Malumanay na may bagsik ang pagbibigay buhay niya sa kanyang karakter sa dula. Matutunghayan ito sa pagbibigay niya ng anunsiyo sa mga mamamayan na malulutas din ni Pangulong Edipo ang sakunang bumabalot sa lipunan nila.ย  Kumalas siya sa kumbensiyonal na papel ng isang kabiyak dahil hindi nagpapalamon sa kontrol ng kanyang asawa.

Gayunpaman, ang pagtalakay tungkol sa pamumuno sa kalagitnaan ng pagkalat ng isang sumpa sa sambayanan ay napapanahon sa kasalukuyang nangyayari sa bansa. Pinapakita nito ang pagpapabaya ng isang lider sa bayan kapag nakadanas ito ng hagupit ng sakuna. Kagaya na lamang ito sa dinaranas ng Pilipinas sa panahon ng pandemya kung saan nalugmok sa sakit ang bansa dahil sa walang ingat na panunungkulan sa publiko.ย 

Inaatake rin nito ang mga namumuno sa bayan na naging madahas sa kanilang panunungkulan. Dinadaan ang lahat ng mga problema ng pinamumunuan sa kamay na bakal na sumisira sa karapatang pantao. Dahil dito, napapabayaan nila ang kapakanan ng nasasakupan at nagreresulta ito sa pagkapariwara nila sa kanilang landas.ย 

Bilang konklusyon, kailangan magamit sa responsableng paraan ang demokrasya sa pagpili ng mamamahala sa bayan. Gamitin ang mga natitirang panahon na kilatisin ang bawat kandidatong nagnanais umupo sa trono upang maiwasan ang mga mapapait na karanasan sa mga pinunong nagdaan.ย 

Dapat bigyan ng sapat na kaalaman ang sambayanan sa pagboto upang maggamit nila ang kanilang kapangyarihan sa tamang paraan. Dahil walang paghihilom na magaganap kung patuloy na nadadapa sa pinunong walang bahid ng awa sa madla. F.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us