Ngiti ng Nangangarap

photo by ANDREI DURAN/THE FLAME

BAWAT MUKHA ng mga kabataang nakakasalamuha ko sa munting tindahan naming magkapatid, isang matamis na ngiti ang lagi kong nabibigay na kapalit.

Naaalala ko ang mga panahong ako ang nasa kanilang posisyon, pursigidong abutin ang mga pangarap at hiling.

Sa katotohanan, hindi ko naabot ang minithi ko. Subalit kahit ganoon, napupuno pa rin ako ng galak.

Sa pagtakbo ng oras, natukoy ko na hindi lahat ng ating inaasam ay matutupad. Kaya sa dumaang hindi natupad ang aking pinangarap, nagpapasalamat ako dahil tila isa itong biyayang hindi inakala.

Hindi ko man naibigay sa batang bersyon ng aking sarili ang kaniyang gusto, taas-noo pa rin ako sa aking sarili, lalo na’t walang kapantay ang kasiyahan na nararamdaman ko kasama ang aking pamilya.

Marami pa rin akong pagkakataong abutin ang mga bagong pangarap kaya patuloy pa rin ako sa pag-asam na balang araw, makakamit ko ang mga ito.

Kaya isang matamis na ngiti para sa akin at sa mga kabataan na kahit binigo o mabibigo pa lamang, patuloy pa ring umaabante tungo sa pagkamit ng kanilang hinihiling. F – MAUREEN CURITANA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us