Liwanag

by HJADOEYA CALICA

Photo by DANICA RAMILO/THE FLAME

ALAS SAIS na ng gabi, nagpapahiwatig na patapos na ang araw.  

Sa lugar na ito, pamilyar na sa akin ang tore, puno, at ang poste para sa ating bandila dahil lagi ko itong nadaraanan. 

Sa aking balintataw masisilayan ang liwanag na siyang nagpahinto sa akin tulad ng dati. 

Nang gabing iyon, tapos na ang klase ko at napagpasyahan kong huwag umuwi at magmukmok sa bagsak kong grado. 

Umupo ako sa matinik na damuhan at pinagmasdan ang kapareho kong tore. Nasanay kaming kami lang ang namumukod-tangi; nang isinama kami sa kapwa namin nagniningning, napundi ang aming layunin. Nakikipag kompetensya sa atensyon ko ang liwanag ng buong lugar. Halos hindi ko makita ang sumisilip na buwan, tila nadadaig ng maliliit na lampara. Nakulong ba ako sa ilusyon na ito ang pinakamaliwanag dahil ito ay nag-iisa? 

Sobrang liwanag ng itaas. Hindi ko alam kung saan titingin. Hindi ko alam kung alin ang mas maliwanag o kung mayroon man. Hindi makasabay sa bilis ng aking mga mata ang isip ko— tama, dahil hindi ko ito kailangang sundan. Sinimulan kong pagtuunang pansin ang nagpapakinang sa akin bilang isang tao. Hindi mga label mula sa lipunan; hindi ang pagiging sentro ng atraksyon. 

Pinatunayan ko sa sarili ko na hindi ako ordinaryo sa pambihirang lugar na ito. Singtaas na ng grado ko sa salamin ang grado ko sa mga asignatura. 

Alas siyete na. Bumalik ako sa realidad. 

“Abogada na nga pala ako.”

Ngumiti ako at tinahak ang parehong daan patungo sa tirahan ko. F

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us