Mga Muning

Photo by Ethan Christensen Cardaño/THE FLAME

Sa unti-unting paglubog ng bituing iniikutan,

Magiging isang kulay ang lupa at langit,

Ang mga muning sa kalye ang silang lalapit,

At kakapit sa mga kabalyas na ating bitbit.

 

Sa pagtugtog ng kampana ng simbahan,

Isang palatandaan ng paglubog ng araw,

Ang mga parola na nakasabit sa bakal-bakal

Ang nagsisilbing ilaw ng daan, 

Ng mga munting muning.

 

Tiyak nating maririnig ang mga halakhak

Ng mga batang naglalaro sa kalsada

May piko, tisa, bola, at iba pa.

Sa bawat takbo ng bawat isa,

Kumikislap ang kanilang mga mata.

 

Nagkalat ang mga kulay sa labas;

May mga parola, banderitas, at trapal,

May mga palipat-lipat na kariton

At ang mga iba’t ibang kulay ng balahibo 

na nakaabang sa tabi-tabi.

 

Ang puso at isipan na dalisay,

Walang bahid-dungis na mga kamay,

Ang may busilak na pananaw ng buhay,

Ang mga kamay na tila ba’y inaamoy

At nilalapitan ng mga muning sa daan.

 

Ang mga palad na ito

Ang magaabot ng kanilang malasakit

Na siyang laman ng mga tinirang pagkain,

At siyang hahaplos

Sa mga munting muning. F

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us