
“THESIS MANUSCRIPT” ang nakalagay sa tuktok ng pahina.
Sa tabi nito: “FINAL FINAL DRAFT THESIS” at “FINAL NA TALAGA THESIS.”
Sa kabilang hati ng screen, bukas ang JSTOR at ResearchGate. Nagkakagulo ang mga salita. Tuwing nalalayo ang mata sa screen, bumubungad sa’kin ang mga bote ng Sting at Redbull sa tabi ng laptop ko.
Ilang oras na ang lumipas, lubog na lubog na ang araw, pero hindi ko na rin alam kung kailan ba ang ngayon at kahapon. Mag-isang gumagalaw ang mga daliri ko sa mga letrang tila lumulutang na, tila nag-iisang dibdib ang dumadagundong kong tiyan at kumikirot na ulo.
Tatlong taon, malapit nang maging apat, binti ko’y palagi nang nagtatangkang tumakbo palabas ng arch. Hindi ko na mabilang kung ilang revisions pa ang gagawin ko, hindi ko na rin mabilang kung ilang araw pa’kong magpupuyat ng ganito.
Pagod na ako.
Upload.
Inaabangan kong mapuno ang bilog sa Google Drive para lang masiguradong hindi ako niloloko ng mata ko. Nang nawala ang bawat tab, bawat PDF, tila nagliwanag ang paligid ko. Colloquium na kami ulit magkikita ng papel ko.
Sa silid ko ay tila umaga pa rin, hindi namamatay ang mga ilaw. Ngunit sa paglingon ko, sumalubong sa akin ang kadiliman ng gabi. Pumikit ako ng gabing ‘yon, hinihintay ang tulog na magpapalaya sa akin. F
