Malay mo, this year…

art by Lady Margrette Bermudez/ THE FLAME

MURA ANG nabiling grapes ng Mama ni Iya last year. Sign na dapat ‘yon sa kanya.

Habang nagkakantahan ang kanyang pamilya ng Kitchie Nadal medley at nagpapaputok ng fireworks ang kapitbahay sa labas, tinatago na ng tatay niya ang lumang kalendaryo.

Siya? Stuck pa rin sa multo niya last year.

Huling sulyap niya sa orasan, may sampung minuto na lang siya para maka-usad sa mga multo ng nakaraan.

Pero panira itong si JM na nakisiksik sa ilalim ng mesang kinaroroonan niya. Biglang niyang hinugot sa kanyang ate ang mangkok na puno ng ubas bago mapang-asar na inilabas ang dila.

“ ‘Di naman ‘yan gumagana sa’yo.”

“Pake mo ba, ha,” hinila muli ni Iya ang mangkok, ngunit ayaw ito bitawan ng kanyang kapatid. “Malay mo, gumana.”

Tumagal ang away nila ng mga ilang minuto na para bang mga aso’t pusa.

Nang sumapit ang alas dose, agad na pumikit si Iya at ibinulong ang mga panalangin sa hangin. Isusubo na sana niya ang kanyang unang ubas nang bigla siyang hilahin ng Mama niya palabas ng lamesa para sa family picture.

Tabi-tabi silang tumayo tapat ng lamesa nila at nag-ayos ng mga sarili.

Habang abot tenga ang ngiti ni Iya, may naramdaman siya sa kanyang hawak-hawak na mangkok.

Pagtingin niya rito, nasulyapan niya ang mga daliri ni JM na dahan-dahang pumupulupot sa lalagyan—sabay hila! At nawala kay Iya ang mga ubas.

“Hoy! Akin ‘yan!”

Paano papaldo sa pag-ibig kung ang pamilya ko na mismo ang humahadlang dito, pabirong bulong ni Iya sa sarili. F

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us