Mga Tomasino, hinimok na magbigay pag-asa sa kapwa

kuha ni KRISTELLA DANIELLE S. BOO
kuha ni KRISTELLA DANIELLE S. BOO

TUNGKULIN NG mga Tomasino na gamitin ang ebanghelyo upang magbigay ng pag-asa sa kapwa.

Ito ang pahayag ni Rev. Fr. Filemon dela Cruz, Jr., O.P., vice rector for religious affairs ng Unibersidad ng Santo Tomas sa ginanap na Misa de Apertura sa Parokya ng Santissimo Rosario, Martes.

“Words are the source of life when they are spoken to people who have lost hope,” aniya.

Upang makatulong sa ibang tao sa pamamagitan ng komunikasyon, kinakailangan muna ang pakikinig at pakikipag-usap sa Panginoon, paalala ni dela Cruz.

“We are called to speak to one another. [We are called] to speak words that give life and blessing,” aniya.

Sa opisyal na pagbubukas ng Taong Akademiko 2016-2017, hinamon niya ang mga guro at ang administrasyon na maging mabuting halimbawa sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa pagdarasal.

“Before we get overwhelmed by our roles and our work, let us find time to pass by the chapel so that we may inspire the students to do the same,” ani dela Cruz.

Ang Misa de Apertura ang taunang okasyong naghuhudyat ng pagbubukas ng panibagong taong panuruan sa Unibersidad.

Kasunod ng pagdiriwang ng banal na misa ang seremonyang nagtalaga kay Rev. Fr. Herminio Dagohoy, O.P. bilang rektor ng UST sa ikalawang pagkakataon.

Muling magsisibli bilang rektor si Dagohoy sa loob ng apat na taon.KIMVIRLY P. ZAYAT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us