Thursday, September 29
Shadow

Tag: Faculty of Arts and Letters Student Council

Opisyales ng ABSC, nanumpa sa tungkulin, nais mapalapit sa mga Artlet

Opisyales ng ABSC, nanumpa sa tungkulin, nais mapalapit sa mga Artlet

News
NANUMPA SA tungkulin nitong Lunes ang mga bagong opisyal ng Konseho ng mga Mag-aaral ng Sining at Panitik (ABSC) na naglalayong mas mapalapit sa mga Artlet sa pamamagitan ng kanilang mga isasagawang proyekto. Sinabi ni Ysabella Gabrielle Marasigan, presidente ng konseho, na nakabatay ang mga proyekto nila sa adbokasiyang “live and share the Artlet experience,” matapos ang kanilang pormal na panunumpa sa harap ni katuwang na dekano Narcisa Tabirara. Kasama niyang nanumpa sa tungkulin sina Bise Presidente-Panlabas Jacob Israel Basilio, Bise Presidente-Panloob Shaira Joyce Javier, Kalihim Mariele Carissa Embestro, Auditor Brian Earl Leshen, at Public Relations Officer Jan Krianne Pineda. Hindi nakadalo sa panunumpa ang ingat-yaman na si Rana Mae Dizon. Ayon kay Marasigan, nais...