Pagbabalik-tanaw sa ‘90s: Ang @lammonaha at ang TikTok

ni SAMANTHA Z. ARGONZA

PUT A finger down kung dumalaw ka na sa TikTok upang maaliw ng panandalian ngunit nagulantang dahil mag-iisang oras ka na pala sa kaka-scroll mo ng mga nakatatawang videos

Ang platapormang TikTok ay binansagang “Most Downloaded App” sa 2020. Makikitang patok ito sa mga Pinoy, lalo na at binansagang ‘Social Media Capital’ ng mundo ang Pilipinas.  

Alam niyo ba na bukod sa mga kanta at sayaw sa TikTok, kinagigiliwan din ang kakaibang videos ng LMNH (@lammonaha)? 

photo courtesy of @LMNH

Sa likod ng kalmadong boses at 203,700 followers, ang @lammonaha ay pagmamay-ari ng tinatayang 30 anyos na anonimang content creator

Sa pagiging anonima, nakapagbibigay daw siya ng misteryo. 

“Sa LMNH naman, I can be whoever they want me to be,” paliwanag niya.

(In LMNH, I can be whoever they want me to be.)

Kasabay nito, nais daw niyang ihiwalay ang mga gawa niya sa kung sino siya.

I don’t want them to be about me,” ani niya.

Hinango ang pangalan ng account sa catchphrase niya na “‘Lam mo na ha”. 

Gamit ang wikang Filipino, nagkukuwento siya tungkol sa mga uso noong ‘90s at ang kasalukuyang Pinoy pop culture

Mayroon ding mga account sa TikTok na nagpapakita ng mga kultura at kaugalian ng mga Pilipino ngunit sinamahan ito ng iba’t ibang tema. 

Makikita ito sa mga videos nina @dockilimanguru, na nagbibigay ng medikal na impormasyon ukol sa mga gawi ng mga Pinoy na nakasasama sa kanilang kalusugan; ni @teamlyqa na nagtuturo at iminumulat ang tagapanood sa larangan ng akademiko at kultura; at ni @mrbakit na nagkukwento at naglalahad mga internasyonal na trivia gamit ang wikang Filipino.

Naging matagumpay ang @lammonaha sa linis at ayos ng daloy, sa transisyon man ng biswal o pandinig na elemento, ng kaniyang content.

“Solely, ako lang talaga [ang] gumagawa no’n,  from research to writing to editing,” sinabi niya sa isang panayam ng The Flame. 

(Solely, I’m the only one who creates those, from research to writing to editing.)

Sa kabila ng pagsusulat sa telebisyon, nagsimula lamang siya sa TikTok noong ikalawang linggo ng Setyembre 2020. Siya rin ay nominado sa ilalim ng kategoryang Top Creatives ng TikTok Awards PH noong Hulyo 2021.

Iilan sa kaniyang mga videos na dapat tingnan ay ang “Ang Unang Tupperware Lady”, “San nga ba ang camp MariKorea?”, “Ang Arko ng mga Siglo”, at “Ang Secret Tunnels ng BGC”. 

photo courtesy of @LMNH

Bukod sa pagsilip sa nakaraan, makikita ang pagtawid ng mga impormatibong videos niya sa mga napapanahong isyu at uso. Ito ay nasilayan din sa video niyang “Team Chocnut ka ba?” na may kaugnayan sa bagong palabas at gawang-Pinoy na seryeng anime,  “Trese”. 

Para naman sa mga gustong sariwain ang mga nakagawian ng mga kabataan noon, huwag kalimutan ang “Never Have I Ever Batang 90s ED Part 2”. Kabilang ito sa mga videos na ikinalugod ng mga tagapanood. Pinusuan ito nang higit pa sa 193,000. 

Ibinahagi ng @lammonaha sa The Flame kung paano siya humantong sa pagbuo ng mga videos sa TikTok.

“May content ako na hinahanap na hindi available sa TikTok so sabi ko, ‘What if ako ang magprovide no’n?’ […] Sisimulan ko lang muna dito sa ‘90s. Kapag nakakuha na ako ng enough audience, uunti-untiin ko yung history, pop culture, music,” sabi niya. 

(I was looking for content that is not available on TikTok so I said, ‘What if I’ll be the one to provide it?’ […] I will start with the ‘90s. When I have enough audience, I will gradually cover history, pop culture, music.)

Kung ikukumpara naman sa YouTube, tampok daw ang katangian ng TikTok para sa kaniyang uri ng pagkukuwento na hindi raw siya “masyadong magpapalabok.” Inilahad ng content creator ang tatlong pinakamahalagang aral na dapat isaalang-alang ng mga tagapanood.

Limitadong oras ngunit nag-uudyok ng karagdagang pananaliksik

“Gustong-gusto ko yung one-minute limit ng TikTok kasi limited lang yung ibibigay kong information. Parang it’s up to you as the viewer to research more on the topic kung gusto mo pang malaman,” pagpapaliwanag niya. 

(I like TikTok’s one-minute time limit because of the little information I have to provide. It’s up to the viewer to research more on the topic if they want to know more.)

Dapat daw na usisain lahat ng sasabihin niya o ang lahat nang mababasa sa internet

Karagdagang kuwento at kaalaman

Ikalawa, makakatanggap ang mga tagapanood ng bagong kaalaman at pagpapahalaga sa kakaibang ilaw. 

Ipinalawig pa niya, “Minsan may mga kuwento tayong alam from our childhood, and then malalaman mo na there’s a different version of that story.” 

(Sometimes there are stories that we knew from our childhood, and eventually, we’ll know that there’s a different version of that story.) 

Bilang interesado sa kasaysayan at mga trivia, lagi raw siyang may dala-dalang kuwaderno upang isulat ang mga nalalaman niya. Sinabi niya rin na mayaman daw ang Pilipinas sa kuwento, haka-haka man ito o isang alamat. 

“Ang rich ng kuwento natin as a nation, whether conspiracy theory siya or folklore siya, na parang feeling ko na namimiss ng mga bagets ngayon. […] Everything is connected, yung mga past na stories, mga past events, nagmamatter din yun sa atin ngayon kasi yun yung pinanggalingan natin and kailangan nating maintindihan iyon para may mapulot tayo na aral do’n,” sabi niya.

(Our nation’s stories are rich, whether it is conspiracy theory or folklore. I feel like the youth today have missed those kinds of stories. […] Everything is connected, the past stories and past events matter today as they are part of our origin, and we need to understand them to learn lessons from them.)

Kahalagahan ng kulturang Pilipino sa makabagong panahon

Sumusulong naman sa kamalayan sa kulturang Pilipino ang ikahuling puna niya. 

Kailangan daw maintindihan ang nakaraan upang malaman kung paano nabuo ang identidad ng isang bansa.

Ipinabaon niya na, “Kilalanin natin yung mga sarili natin para alam natin kung paano natin dadalhin yung sarili natin sa kung saan man natin gusto[ng] pumunta.” 

(We need to know ourselves to be able to support ourselves wherever we want to go.)

Naging mabisang plataporma ng komunikasyon ang TikTok, kung saan naging tagapamagitan ang @lammonaha sa mga taong nagmula sa iba’t ibang henerasyon at kinagisnan.

Naging makabuluhan ang mga dating pelikula at palabas sa paglikha at pamumuhay niya.

phot courtesy of @LMNH

“Nanonood ako ng mga old movies, old TV shows from the ‘90s, yung mga kinalakihan kong mga shows, tapos yun yung nagbigay sa ‘kin ng comfort, nakalma ako no’ng panonood ko na iyon so dun nagclick,” sabi niya.

(I watch old movies, old TV shows from the ‘90s, and the shows I grew up watching, then that brought me comfort, it calmed me when I watch them so that’s how it clicked.)

Tinatayang bungad ng mga uso at kultura, nag-alok ang TikTok ng makabagong dimensiyon para sa mga maiikling mobile videos. Maraming Pinoy ang nagbalik-tanaw sa mga ito, lalo na sa kasagsagan ng krisis. F

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us