Saturday, December 15

Norylyn

“Ano po ‘yung natutuhan mo sa mga pangyayari sa buhay mo na natapos na?”

“‘Pag nagkakaroon tayo ng mga problema sa buhay, hindi ibig sabihin susuko tayo [agad]. Laban lang tayo sa buhay. Kung ano man ‘yung mga dumating sa’ting mga problema o pagsubok, natural lang sa’tin ‘yun. Kailangan nating labanan [ang mga ito] at saka kailangan nating magtibay. Kailangan [din] maging influence ako sa anak ko, na kaya ko lahat ng bagay. […] Kaya hindi ako sumusuko sa ano mang hamon ng buhay.”

– Norylyn, 38

Interview by CRISTINA ELOISA A. BACLIG
Photo by MIKAELA CECILLE S. SILVERIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *