Faces of Dapitan: Sa Darating na Mayo Nueve

Edgar, 51

Interview by Lila Victoria Reyes

“Para sa mga nag-ta-tricycle”

Photo by Rainiel Angelyn Figueroa/ THE FLAME

Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?

“Hindi ko pa alam. Namimili pa.”

Sino ang pinagpipilian ninyo?

“Si Isko at si Leni.”

Kung may batas kayong gusto ipapasa sa susunod na Presidente, ano iyon at bakit?

“Siguro kasi tricycle driver ako, [batas sana] para sa mga nag-ta-tricycle. Sana [mas] maayos… [ang] pamumuhay namin sa pag-ta-tricycle.”

 

Ernesto, 54

Interview by Lila Victoria Reyes

“Ang iboboto ko ay yung taga-Maynila”

Photo by Rainiel Angelyn Figueroa/ THE FLAME

Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?

“Ang iboboto ko ay yung taga-Maynila… kasi Maynila [taga] ako eh. Si “Yorme,” Isko… kasi napakarami niyang natulungan na taga-Maynila at [isa] na diyan ‘yung sa pagkain, ‘yung mga food pack. Ilang buwan, noong pandemic, hindi niya kami pinabayaan. Kaya [si Isko] ang iboboto ko kasi may pusong Pilipino talaga.”

Kung may batas kayong gusto ipapasa sa susunod na Presidente, ano iyon at bakit?

“Ang sa’kin, ang gusto ko [ay] ‘yung sinimulan ni President Digong sa droga kasi maraming kabataan [ang] nasisira [ang buhay] eh, hanggang sa ngayon… ‘di pa rin natatapos. Ang gusto ko, ipagpatuloy niya iyon, at saka “Build Build Build.” 

 

Javier, 46

Interview by Lila Victoria Reyes

“Para sa mga manggagawa”

Photo by Rainiel Angelyn Figueroa/ THE FLAME

Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?

“Sa ngayon, wala pa. Pinag-uusapan pa namin, [pero baka] ‘yung dating Mayor dito sa Maynila—si Isko.”

Kung may batas kayong gusto ipapasa sa susunod na Presidente, ano iyon at bakit?

“Sana yung [sa] COVID-19 [kasi] nahihirapan na kami… Saka ‘yung batas sana [para sa] mga maggagawa. Sana tumaas ang mga sahod namin, dahil mataas na rin ang pagkain. Magkano na lang sahod namin dito: P537. Magkano nalang ang matitira sa P537 sa isang araw na pangkain namin? Iyong pamilya namin, malayo pa—nasa probinsya. Kaya ang hirap talaga sa amin.”

 

Alfonso, 55

Interview by Lila Victoria Reyes

Hindi ko pa sigurado kasi nag-iisip pa ako.

Photo by Rainiel Angelyn Figueroa/ THE FLAME

Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?

“Hindi ko pa sigurado kasi nag-iisip pa ako. Pwedeng si Bongbong, puwedeng si Isko, puwedeng si Leni. Pero [sa ngayon], wala pa akong napipili. Nakikiramdam pa ako. Importante kasi ‘yung mga boto, diba? Kahit sabihin mong isa ka lang, eh kapag binilang mo ‘yung isa na ‘yon, marami [rin ‘yon].”

Kung may batas kayong gusto ipapasa sa susunod na Presidente, ano iyon at bakit?

“Dapat may sarili tayong ano… [tulad ng sa] West Philippine Sea na inaangkin ng China. Kailangan mag stand firm tayo, na kailangan sa’tin talaga ‘yon. Ipaglaban natin.”

 

Ronron, 56

Interview by Lila Victoria Reyes

“Dapat ‘yung mga kailangan ng mga tao, maibigay niya”

Photo by Rainiel Angelyn Figueroa/ THE FLAME

Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?

“Si Leni kasi maganda ang plataporma niya. Malay mo mabago niya ang bansa.”

Kung may batas kayong gusto ipapasa sa susunod na Presidente, ano iyon at bakit?

“Dapat ‘yung mga kailangan ng mga tao, maibigay niya. Dapat mabigyan niya ng solusyon ang mga problema natin sa bansa. Katulad namin ngayon na naghihirap, dapat ‘yung mga senior citizen [ay] madagdagan ‘yung benepisyo.”

 

Romy, 59

Interview by Lila Victoria Reyes

“Subok na siya”

Photo by Rainiel Angelyn Figueroa/ THE FLAME

Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?

“Si Marcos… kasi subok na siya eh. Pati ‘yung tatay niya, maraming nagawa sa Pilipinas katulad ng Lung Center, Heart Center, at mga tulay. Ibig sabihin non, may accomplishment siyang ginawa. ‘Di tulad ng mga dilawan, puro nganga lang, puro daldal. Wala namang nagawa.”

Kung may batas kayong gusto ipapasa kay Marcos, ano iyon at bakit?

“Syempre ‘yung para sa mga mahihirap… ‘yung pabahay tsaka ‘yung ayuda… Taasan [din sana] nila ‘yung sahod ng mga tao.”

 

Victoria, 60

Interview by Lila Victoria Reyes

“Sawa na ako sa datihan. Enough.”

Photo by Rainiel Angelyn Figueroa/ THE FLAME

Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?

“Si Leni kasi gusto kong magbago naman. Sawa na ako sa datihan. Enough.”

Kung may batas kayong gusto ipapasa kay Leni, ano iyon at bakit?

“Gusto ko ‘yung wala nang kurakot at ayokong magpadala siya sa mga tuta tuta na mga senador… parang ‘yung isang Presidente pero sunod sunuran lang….”

 

Abelina, 70

Interview by Lila Victoria Reyes

“Sawang-sawa na kami sa sirang pangako.”

Photo by Rainiel Angelyn Figueroa/ THE FLAME

Sino ang iboboto niyo ngayong halalan at bakit?

“Hindi ko pa alam eh. Baka si Bongbong o si Isko Moreno.”

Bakit si Bongbong at Isko ang pinagpipilian niyo?

“‘Yun lang siguro ang [mga] tamang tao na makakatulong sa aming mahihirap. Sawang-sawa na kami sa sirang pangako. Di kami makakuha ng tulong [mula] sa gobyerno. Parang ako na nagkaroon ng karamdaman, wala namang nakatulong sa akin sa DSWD (Department of Social Welfare and Development). Wala.”

Kung may batas kayong gusto ipapasa sa susunod na Presidente, ano iyon at bakit?

“Sana naman ‘yung [batas] na makakatulong. Sana naman ituloy na nila ‘yung [kailangan] ng mga mahihirap. Unahin nila. Hindi naman humihingi ng malaking tulong ang mahihirap…. [Sana] hindi puro pangarap. Nakakasawa na. Sitenta anyos na ako [pero] wala pa rin akong nakitang gobyerno na tumulong sa akin.” F

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us