IN 1964, former president Diosdado Macapagal declared every second week of February as the National Press Week in the Philippines.
The event encourages Filipinos to support the press as “free and fearless.”
In this edition of Faces of Dapitan, The Flame asks the audiences’ about their trust in journalists and the relevance of traditional news sources in the age of social media.
Erwin Abayo, 44, tricycle driver
Interview by Ma. Irish Fery
Transcribed by Janssen Anne Versy Mendoza
Hindi naman bumabase ang lahat sa social media
Gaano kalaki ang tiwala mo sa mga tagapagbalita sa media? Bakit?
“Malaki ang tiwala ko sa kanila […] sa GMA doon ang pinapanood ko. Tapat at totoo raw eh, ayun ang sabi nila.”
Sa panahon ng social media, napakadali nang kumuha ng iba’t ibang impormasyon anumang oras. May silbi pa ba ang mga tagapagbalita? Bakit?
“Mayroon naman [silang silbi kasi], hindi naman bumabase ang lahat sa social media. Mayroon pa ring nakikinig sa mga balita at nanonood.”
Nazareth Flores, 45, vendor
Interview by Ma. Irish Fery
Transcribed by Janssen Anne Versy Mendoza
Kailangan ko rin ma-update sa mga nangyayari sa bansa
Gaano kalaki ang tiwala mo sa mga tagapagbalita sa media? Bakit?
“Hindi naman ako gaanong [nagtitiwala] kaya lang kailangan ko rin ma-update sa mga nangyayari sa bansa.”
Sa panahon ng social media, napakadali nang kumuha ng iba’t ibang impormasyon anumang oras. May silbi pa ba ang mga tagapagbalita? Bakit?
“Mayroon naman. May naitutulong pa rin naman kasi siyempre, tulad ng iba na walang aral or walang natapos, kumukuha sila ng balita sa TV o radio.”
Kyle Ona, medical technology student
Interview by Ma. Irish Fery
Transcribed by Janssen Anne Versy Mendoza
Depende sa credibility and popularity (ng news)…
Saan ka kumukuha ng balita? Bakit yun ang pinagkukunan mo ng balita?
“Sa Facebook ako mostly nakakakuha ng balita and minsan sa Twitter (X) because wala namang TV sa dorm, so wala rin [kaming] information about sa news. Minsan lang din naman kami manood ng news kahit nasa bahay.
Gaano kalaki ang tiwala mo sa mga tagapagbalita sa media? Bakit?
“Depende sa credibility and popularity nila as an anchor na nagdedeliver ng news.”
Archie De Leon, 41, security guard
Interview by Ma. Irish Fery
Transcribed by Janssen Anne Versy Mendoza
Binabase ko ang pagkuha ng balita sa paligid ko
Saan ka kumukuha ng balita? Bakit yun ang pinagkukunan mo ng balita?
“Binabase ko ‘yung pagkuha ko ng balita sa mga nasa paligid ko, sa mga nangyayari sa paligid. Halimbawa, tulad ng naririnig ko rin sa radyo, sa mga kasamahan, sa mga tao sa paligid.”
Palagay mo, ano ang kinahaharap ng mga tagapagbalita?
“Siguro ang kinakaharap nila ngayon, siyempre pagdating sa kanila, pressure din eh kasi unang-una, ‘pag nagbalita ka hindi mo alam baka mayroon ka nang binabangga. Alam mo na, may masama ka ng binabangga. Mayroon ka nang taong nasasagasaan. Pero karamihan naman may mga magandang naidudulot ang media.”
John Starks Hipolito, 20, political science student
Interview by Ma. Irish Fery
Transcribed by Janssen Anne Versy Mendoza
Kailangang pagtuunan ng pansin ang mga established news outlets
Palagay mo, ano ang kinahaharap ng mga tagapagbalita?
“Sa tingin ko, ‘yung isa sa pinakamalaking challenge ngayon is ‘yung AI and at the same time ‘yung mga vloggers, so-called, na sinasabi nila that they are also fighting fake news when in fact they are also perpetrators of fake news. So I guess ‘yun ‘yung isa sa mga challenges ngayon na kailangang sugpuin, or I guess kailangan ding pagtuunan ng pansin ng ating mga established news outlets.”
Sam Mayor, 20, Asian studies student
Interview by Ma. Irish Fery
Transcribed by Janssen Anne Versy Mendoza
Mas accessible na [ang balita] these days
Saan ka kumukuha ng balita? Bakit yun ang pinagkukunan mo ng balita?
“Mostly sa internet kasi mas accessible na siya these days.”
Gaano kalaki ang tiwala mo sa mga tagapagbalita sa media? Bakit?
“Hindi gaano. Hindi ko sila gaano napapagkatiwalaan lahat kasi [‘yung] mga ibang nagbabalita naman kasi hindi verified ‘yung sources nila and mayroon ding misinformation and disinformation pero okay naman ‘yung iba. So 50-50, ganun.” F