“Ano po ‘yung pinakakinatatakutan niyong mawala sa inyo at bakit?”
“Buhay ko. Kasi ‘pag mawala na ako, wala nang mag-aalaga sa mga anak ko.”
“Meron na po bang nawala sa inyo na malaki ang naging epekto sa buhay niyo?”
“Meron, asawa ko. Namatay na siya. Kaya ako ngayon ang nag-aalaga sa mga anak ko; ako ‘yung nagtatrabaho para sa kanila, sa pag-aaral. Tinataguyod ko sila mag-isa.”
“Ano naman po sa mga ugali o bagay na meron kayo ang gusto niyong bitawan?”
“[G]usto kong mawala ‘yung inggit sa kanila (ibang tao). Minsan kasi, ‘di natin maiiwasang mainggit sa kapwa. Syempre walang ama ‘yung mga anak ko, nanakawan sila. […] Na-realize ko rin, magtulong-tulong na lang maghanap-buhay. Sa awa ng Diyos, nakaka-recover naman kami.”
– Gemma, 48
Interview by SYRAH VIVIEN J. INOCENCIO
Photo by KATHLEEN MAE I. GUERRERO