“Ano ang gusto mong baguhin sa buhay mo ngayong taon?”
“Ngayong taon gusto ko nang baguhin, unang-una, ‘yung aking katamaran. Gusto ko rin baguhin ang pananaw ko sa buhay na maging laging positibo lang at magkaroon ng maraming biyaya. Iisipin ko lagi na sana walang magkakasakit sa amin, walang [mangyayaring] masama. Patuloy ko lang gagawin ‘yung trabaho [ko] nang maayos.”
– Renato, 33, tricycle driver
Interview by LORRAINE B. LAZARO
Photo by KRISTELA DANIELLE S. BOO