“Ano ‘yung pinaka-memorable na matagumpay na experience mo sa buhay?”
“Ako kasi, [ang] kino-consider kong success, something na [hindi] achievement. For me, success ‘yung sa family ko na tahimik kami. [M]as tahimik kami sa bahay compared before na nag-away ‘yung parents ko.”
“Ano sa tingin mo ‘yung pinaka-importanteng gawain ng isang tao para maging successful?”
“Ako natutunan ko sa journey ko [na] you need to open yourself. […] ‘Yung pagiging open ko [sa tao] about sa troubles ko, nakakatulong pala siya at nakakagaan pala siya ng loob kasi, in a way, na-e-evaluate mo ‘yung sitwasyon ng buhay mo. Nalalaman mo ‘yung mga bagay na dapat mong gawin kahit na that person is simply listening. Para kasing, in a way, nakikinig ka na rin sa sarili mo.”
– Cristine Jenica, 20, AB Literature
Interview by CRISTINA ELOISA A. BACLIG
Photo by MIKAELA CECILLE S. SILVERIO