“Sa tingin mo, gaano kahalaga ang pagsisimulang muli?”
“Napakaimportante noon. Para siyang chance to rise up again from your failures, from your mistakes, and from what you have done wrong before. Sa akin, ‘pag nadapa ako, ito na ang pagkakataon upang tumayo at baguhin o ayusin ‘yung mga [nagawa] ko. Ayokong isipin na kapag nadapa ako, hanggang doon na lang para sa akin. [H]indi mo kailangan maglugmok. Ang kailangan mo lang gawin is to rise up and do better.”
“Ano ang mga natutunan mo sa pagsisimula muli?”
“Maganda mag-start again, parang go lang with life pero kung ano ‘yung mangyayari sa’yo, i-accept mo lang kasi ‘yan ‘yung will mo, ‘yun ‘yung purpose [mo]. May nakatakda sa’yo. […] Be happy with what’s happening sa buhay mo kasi part ‘yun ng pagkatao mo.”
– Dada, 51, housewife
Interview by LORRAINE B. LAZARO
Photo by KRISTELA DANIELLE S. BOO