Tuesday, August 11

KOnekSYon

Art by TCHEKY NICOLE D. CABRERA/ THE FLAME

>YES2ANTITEROR BILL…Mdaming salamat tatAy…lagotkau ngaun mga sAlut s liponaN!!!

*Share*

C taTay nlng matino ngaun. Bat b andAming kontRa….pandemya nga maki2Sali p teroRista’t adik!!! Kaya tuMataas OCVID ehh…terorista lng tAkot z antierrorBill…

MAGKaCOVED sNA CLA!!!

<1 Message Request: SouthEast-Asian Coalition for National Security

*Accept*

<Good evening. Ito po ba si Lucio Ramirez? 

<Si Ms.Hannah from SEACNS ito. Nag-aapply po kayo bilang guard sa firm namin?

>Gud evening po…opo nagpasa po aq resume noon…Tanggap po ba?

<Kakilala niyo ba si Martin Romullo? Dati po siyang nagtatrabaho dito.

>Ay opo…kumpare ko p sia…parehas p kami ng hilig nian…Kmzta po siya?

<Iniimbestigahan siya ngayon. Na-red tag kasi sa NPA. 

<Tutal kakumpare niyo ay pumunta na rin kayo rito para magpaliwanag.

>TEka…Bat aq ppunta?? D nman aq NPA

<Makikipag-usap lang, Sir. 

<Pag napatunayang walang koneksyon eh palalayain din

>Wla aqng kinaLaman jan! Kakila2 ko lng sia!!

<Sir, usap lang naman.

<Lucio Deloviar Ramirez

<34 y.o.

<March 27, 1986

<1784-A St. Brgy.216,Tondo, Manila

<Alam namin lahat ng personal na detalye mo. 

<Bukas na bukas din ay may susundo

<Hintayin niyo na lang siya

>D pwde to…Asan warrrant?

<Di na kailangan, boss. Meron nang Anti-Terrorism Act.

>Indi aq comunista!! Inosente aq!!

<Ipaliwanag niyo na lang bukas. 

<Wag po kayong tumakas kasi pwede kayong ipa-blotter.

>Wla nga aqng ginagawang masma!!1 

>Hnde aq NPA!!

<Boss, wala namang patunay na ‘di kayo NPA. 

<Sumunod na lang tayo sa batas.

*Message seen at 2:30 AM*

F JOHN PATRICK A. MAGNO RANARA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *