
The Dust in Your Place: Pagtatatag ng Gumuguhong Relasyon
ANG RELASYON para sa matalik na magkaibigan ay isang komplikadong usapan, sapagkat bumabagabag ito sa estado ng kanilang samahan. Kapag humaba ito, mauuwi ito sa matinding alitan na makakapagbakas ng mantsa sa kanilang dalawa. Subalit, darating din ang panahon na mauungkat ang mga naudlot na usapan upang mahanap ang kahulugan ng kanilang pagsasama.
Mula sa direksyon ni David Olson, ang The Dust in Your Place ay iniangkop mula sa dula ni Joem Antonio na nanalo ng Carlos Palanca Memorial Award noong 2012. Ito ay tungkol sa isang ilustrador ng komiks na nagpapabatid sa kaniyang manunulat kung ano ang bumabagabag sa relasyon niya. Ang maikling pelikula ay kalahok sa ika-labing pitong edisyon ng Cinemalaya Independent Film Festival na idinaraos online mula Agosto 6 hanggang Setyembre 5....