“May moment ka ba sa buhay na, kung pwede lang, uulit-ulitin mo siya?”
“Meron. ‘Yung day na in-accept ng daddy ko ‘yung gender preference ko kasi all my life, hindi siya magandang experience sa’kin (‘yung pagiging member ng LGBT). Every day, harsh ‘yung nangyayari sakin. Pero the time na nagsabi ako [kay daddy] tapos in-accept niya [ako], I felt better. Mas naging confident ako lalo sa sarili ko.”
“Ano po ba ‘yung kwento ng pag-come out niyo?”
“Before kasi, ‘lagi siyang galit [sa akin]. Everything na ginagawa ko, ‘lagi siyang hindi natutuwa, hindi naniniwala. Hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Now, okay na [siya sa] everything na ginagawa ko. Nagbigay na siya ng trust.”
“Kung bibigyan ka ng chance, gugustuhin mo ba na ulitin ‘yung buhay mo o kahit isang part lang nito?”
“Ako, parang hindi na. Everything na nangyayari [ay] plan na ni God for me. Hindi ko naman mapapalitan kung ano na ‘yung mga maling nagawa ko and ano ‘yung mga nagawa ko dati. All I can do is correct ‘yung mga susunod na gagawin ko.”
– Karl, 20, Business Administration, major in Financial Management
Interview by JULIA MARI T. ORNEDO
Photo by CAMILLE JANE C. ESCUBIO