Nanay pa rin

by FRANCIS MIGUELL S. STA. ROSA

Photo by Grehmalyne Carandang/THE FLAME

sa anong punto bang

ang ina’y ‘di na ina?

‘pag supling ay tao na,

o sarili

o ina

anak pa rin ba?

saksi ako sa kaganapan

sa kanilang pagsilang 

sa madaling araw ng katandaan

 

pasan ang daigdig,

na pinasang mayro’ng tangan

nang lumao’y nagsilang

buhat sa sinapupunan

hanggang sa nalagot 

sa paglago’t pananagutan

at buhay na ang bagong magulang

 

hanggang sa dumating na ngang

ang makulit na magulang

ay napasa-bahay ampunan

sino’ng kukupkop?

— sino’ng kukupkupin?

 

sa bagay, narito naman kami

si ticia, stanley, si tandang lucing

natutunan na naming mahalin

ang magigiliw na kwento

sa taniman ng tabako

sa kolehiyo sa recto

kina rachel at roberto

 

ibigay man ang lahat at laan

iba pa rin ang tahanan

malamang na malamlam

ang kanilang pinagmulan 

 

ang lumang litrato’t baro

alaala lang ng dating anyo

sa nakaarang palaisipan

kung mayro’ng pagtatapos

 

paminsan minsang may bisita

sa payak naming pintuan

mga nakaiwan ng bumbilya

at sulo at lampara 

 

singtunay ng tahi’t mga bakas

katungkula’y walang wakas F

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Related Posts

Contact Us