Anong natatandaan niyo noong Martial Law?
“Ang natatandaan ko noong Martial Law, nasa high school pa ako noon, first year high school ako.
Noong wala pang Martial Law, laging nagkakagulo sa compound ng school namin. May [mga] nagbabatuhan, may mga nagra-riot. Noong time na ‘yun—hindi pa naibaba ang Martial Law—sinasara namin mga pinto ng classroom.
Kinabukasan, nagbaba si Marcos ng Martial Law, natigil lahat ng mga pag-aamok nila sa loob ng compound ng school. Nanahimik sila. Wala ng riot, basta naging very peaceful.
Ang natatandaan ko pa, ‘eh pag may inutos si President Marcos, walang pwedeng humindi. Kailangan matupad ‘yun, at kailangan susundin lahat ng mamamayan na nakabuti naman kasi noon, mga responsable ang mga tao, unlike ngayon.
‘Yung mga nag-aaklas noon na mga organisasyon na parang related sa NPA, ‘eh medyo nahinto. Doon ‘yung time na nag-akyatan sila sa bundok.”
– Linda, 63